^

PM Sports

Aranas pasok sa semis

Chris Co - Pang-masa

2019 World Pool Series

MANILA, Philippines — Gumagawa ng ingay si James Aranas nang isa-isa nitong pabagsakin ang malalaking pangalan upang makapasok sa semifinals ng prestihiyosong 2019 World Pool Series Predator Grand Final na ginaganap sa Steinway Café-Billiards sa Astoria, New York.

Ginulantang ni Aranas si veteran cue master Petri Makkonen ng Finland sa iskor na 13-10 sa fourth round kasunod ang paggupo kay 2017 World Pool Series Aramith Masters champion Klenti Kaci ng Albania sa quarterfinals, 13-11.

Kabilang din sa biktima ni Aranas si dating world champion Darren Appleton ng Great Britain sa pamamagitan ng 11-4 demolisyon sa third round.

Ngunit muling mapapalaban si Aranas dahil makakasagupa nito si legendary Ralf Souquet ng Germany sa semifinals.

Umabante sa semis si Souquet matapos manaig kay Mike Dechaine ng Amerika sa quarterfinals, 13-9.

Maghaharap naman sa hiwalay na semis match sina Joshua Filler ng Germany at Chris Melling ng Great Britain.

Nanaig si Filler kay Ruslan Chinakov ng Russia 13-8 habang nanalo naman si Melling kay Mieszko Fortunski ng Poland (13-12) sa kani-kanyang quarterfinal matches.

Bigo namang umabante si Orcollo nang matalo ito kay Fortunski sa fourth round sa pamamagitan ng 12-13 desisyon.

Hihintayin pa ni Orcollo ang mga matatalo sa semis upang magkaroon ng magandang puwesto sa final ranking.

vuukle comment

WORLD POOL SERIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with