^

PM Sports

Taulava magreretiro na?

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Taulava magreretiro na?

MANILA, Philippines — Posibleng ito na ang huling taon ng beteranong sentro na si Asi Taulava sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Ito ay matapos magpahiwatig ang 45-anyos na NLEX big man ng kanyang pagreretiro kamakalawa ng gabi sa ginanap na PBA Media Day, ilang araw bago ang inaabangang pagbubukas ng 44th PBA Season.

“I’m thinking that this may be my last year. I wanted to get to 20 and see where it goes from here,” aniya sa media availability na ginanap sa The Tent Solaire Resort and Casino.

“Let’s see after everything if this will be my final year, if it’s meant to be, this may be my final year, my swan song.”

Kung sakaling tuluyan na ngang isabit ni Taulava ang kanyang #88 na jersey, masaya aniya ang Filipino-Tongan center lalo’t naging makulay ang kanyang 20-taong karera sa pinakamatandang professional league sa Asya.

Buhat nang maging direct hire noong 1999 season ng Talk ‘N Text Phone Pals, umangat na si Taulava bilang isa sa 40 PBA Greatest Players bunsod ng parangal na Most Valuable Player, Best Player of the Conference, Finals MVP gayundin ang makailang ulit na Mythical at All Star selections.

Mula nang maging national member noong 2002 Asian Games sa Busan, South Korea, si Taulava din ang pinakabeteranong National sa kasaysayan matapos na maglaro pa noong nakaraang taon sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Anuman ang maging desisyon ni Taulava, magkakaroon siya ng sariling puwesto sa kasaysayan bilang isa sa natatanging apat na manlalaro na nakapaglaro ng higit sa 20 taon sa PBA kasama sina Abet Guidaben, Ramon Fernandez at Sonny Jaworksi.

vuukle comment

ASI TAULAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with