^

PM Sports

Lady Chiefs nakalapit sa asam na sweep

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumikit sa inaasam na sweep ang nagdedepensang Arellano University matapos itakas ang 18-25, 25-16, 25-19, 26-24 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta kahapon sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

 

Nakabangon ang Lady Chiefs sa mabagal na simula habang napigilan din nito ang paghahabol ng Lady Altas sa huling sandali ng laro upang maikonekta ang kanilang ikawalong sunod na panalo.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Lady Chiefs upang makumpleto ang pagwalis sa eliminasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals.

Makakasagupa ng Arellano ang San Beda University sa kanilang huling asignatura.

Nahulog ang Perpetual Help sa 4-3 marka dahilan para bigyan ng pagkakataon na makasalo sa kanilang No. 4 spot ang San Sebastian College-Recoletos na may parehong kartada.

Sa unang laro, namayani ang Colegio de San Juan de Letran sa Mapua University sa pamamagitan ng pahirapang 14-25, 26-24, 23-25, 25-17, 15-13 panalo.

Nanguna para sa Letran si team captain Mi-racle Mendoza na nagtala ng 21 puntos habang nagdagdag si Kathleen dela Cruz ng 18 hits.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with