^

PM Sports

Mga sinehan ayaw makisali sa pagkalugi ng mga pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na bago sa aming pandinig ang angal ng ilang director at producers na ang pelikula nila ay ginawa nilang may kalidad, pero hindi naman tinatangkilik ng mga tao. Noon pa ganyan na, at hindi lamang sa Pilipinas ‘yan kung hindi sa buong mundo. Kasi dapat maintindihan na ninyo na ang nanonood ng sine, gustong maaliw kahit na dalawang oras lang. Iyon ang dahilan kung bakit sila nagbabayad. Kung gusto ninyong magturo ng kung ano, o ipaglaban kung ano man ang inyong paniniwala at kasarian, aba eh humanda kayo na ang manood lamang ay iyong kakampi ninyo. Hindi kayo panonoorin ng mga hindi interesado sa tinatalakay ninyo sa pelikula ninyo.

 

Noon ngang huli naming kuwentuhan ng na­ma­yapa nang director at vice chairman noon ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na si Maning Borlaza, ang sinasabi niya eh “bakit pipilitin mo silang pumasok sa barberya mo kung ang gusto nila ay kumain ng pancit. Magtayo ka ng panciteria.”

Noong araw pa ganyan na ang kalakaran. May paboritong kuwento noon ang batikang actor at director din ng pelikula na si Leroy Salvador. Kasama siya sa klasikong pelikulang Anak Dalita na ginawa ng national artist na si Lamberto Avellana. Nanalo iyon ng mga award sa abroad, kinikilalang klasiko hanggang sa ngayon. Pero nang dalhin daw ni director Bert Avellana at ng producer na si Manny de Leon ang kanilang napanalunang tropeo, ang tanong ni Doña Sisang ng LVN Pictures, “ano ang gagawin ninyo ngayon sa kopang iyan. Makakain ba ninyo iyan”

Hindi kasi naging hit ang pelikulang iyon nang ipalabas sa Pilipinas. Sa abroad sikat sila, pero naipalabas din ba iyon sa commercial theater circuits sa abroad? Iyang ginagawang “art films” kuno ng ­ating mga director, naipalabas ba iyan sa commercial theater circuits?

Mas mabuti pa iyong commercial English films na ginawa nina Cirio Santiago at Eddie Romero, naipalabas sa mga sinehan sa abroad, at minsan napapanood mo pa sa cable hanggang ngayon.

Talagang ang reality, ang pelikula ay kumersiya­lismo. Kung ano ang gusto ng fans at ng audience iyon ang gawin mo, dahil kung hindi, humanda ka nang walang sinehan ang pelikula mo. Bakit nagtayo ba sila ng sinehan, at namuhunan nang milyon para makisama sa pagkalugi ng pelikula ninyo?

Number one teenage idol noong 80’s walang record kung pinatay o nagpakamatay!

Hindi na iyon inabot ng mga bata pa sa inyo. Nangyari ito 37 years ago. Ginulat kami ng balita na ang noon ay sinasabing number one teenage idol ay “namatay”, si Alfie Anido. December 30, 1981 iyon, at iyon din ang kanyang ika-22 birthday. Nag-celebrate siya ng birthday niya noong umaga sa isang resort sa Antipolo, kasama ang kanyang mga kaibigan at sinasabing “nag-suicide” siya sa bahay nila mismo noong umuwi siya kinagabihan.

Noong unang lumabas sa isang afternoon paper ang kuwento, sinasabing si Alfie ay namatay sa isang car accident. Nabago ang istorya kinabukasan kasi suicide raw pala. Walang report sa Makati Poli­ce ang mga pangyayari. Maging ang superintendent noon na si Col. Ruperto Acle ay nagtatanong din.

Ngayon, 37 years after, wala na tayong matatanong. Ni walang record ang mga pangyayari sa PNP crime lab. Ang pamilya naman ng actor ay nasa abroad nang lahat. Naaalala lang namin si Alfie na naging kaibigan namin noong kanyang panahon.

Ang panalangin namin, sana wala nang mangyaring ganyang muli sa sino man sa ating lahat.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with