^

PM Sports

Ang nagbabalik na UP Maroons

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pagkatapos ng dalawangput-isang taon na paghihintay, finally nakabalik ang UP Maroons sa UAAP Final Four.

Bunga ito ng seryosong programang ipinatakbo ng UP kasama ang ilang matulunging alumni at sponsors noong huling makarating ang Maroons sa UAAP semifinals noong 1997.

Naaalala ko ang kakisigan nina PBA commissioner Jun Bernardino at ilang kaibigan sa pagtulong noon na mapalakas ang UP basketball team.

Dahil nga seryoso, nagkaroon sila ng magandang recruitment program para pagsama-samahin sina Bryan Gahol, Paolo Mendoza, Ogie Gumatay at Bing Victoria na nanguna sa back-to-back Final Four stints ng UP noong 1996-97.

Bilang third seed na kailangan ng dalawang sunod na panalo upang makausad sa finals, nagawa pa ng Maroons na maipuwersa ang winner-take-all match kontra sa FEU Tamaraws noong 1997 bago tuluyang mawala sa eksena pagkatapos ng makapi-gil-hiningang 69-70 pagkatalo.

Twenty-one years later, naging third seed uli ang UP, at tinangka nilang lagpasan ang kanilang nagawa noong 1997.

Kaya lang, isang koponang pinalakas din ng magandang basketball program ang kinailangang banggain ng Maroons – ang Adamson Falcons.

Sa pagre-resign ni Ricky Dandan sa Columbian Dyip bilang head coach para maka-concentrate bilang assistant  coach ni Bo Perasol sa UP, ramdam ko ang kaseryosohan ng UP na makapagpakita ng maganda sa season na ito.

Sa pangunguna nina Bright Akhuetie, Paul Desiderio at Juan at Javi Gomez de Liano, susubok ang Maroons na makalagpas sa Final Four.

***

Namayapa noong Linggo ang ika-apat na commissioner ng PBA sa katauhan ni Rey Marquez.

Wala pang kumpletong detalye, pero inihahanda na ng PBA ang kanilang pagpugay para sa isa sa mga unang haligi ng liga.

Nagsilbi si Marquez ng apat na taon bilang PBA board chairman bago nanungkulan na commissioner sa pagitan ng mga termino nina Rudy Salud at Jun Bernardino.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with