Hotshots target ang finals berth
MANILA, Philippines — Sapul nang gamitin ang best-of-five semis series noong 1993, ang 36 sa 37 koponang kumuha ng 2-0 bentahe ang nagtuluy-tuloy sa PBA Finals.
Ito ang bitbit ngayon ng Magnolia sa kanilang ‘Manila Clasico’ ng nagdedepensang Barangay Ginebra.
Bagama’t pumapabor sa kanila ang kasaysayan ay hindi pa rin isinasantabi ni Hotshots import Romeo Travis ang taglay na ‘never-say-die’ spirit ng Gin Kings ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone.
“You don’t wanna keep giving them opportunities, so this is the most important game of the year for us,” wika ni Travis, dating naglaro para sa Alaska. “That’s just what we wanna do, you don’t wanna give this team chances.”
Target ang sweep, lalabanan ng Magnolia ang Ginebra sa krusyal na Game Three ng kanilang best-of-five semifinals showdown ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Pinatumba ng Hotshots ang Gin Kings aa Game One, 106-98, at Game Two, 101-97, sa pangunguna ni Travis.
Sa kabila ng kanilang kalamangan sa serye ay may agam-agam pa rin si mentor Chito Victolero.
Noong 2017 PBA Philippine Cup ay nakaahon ang Gin Kings mula sa 2-3 pagkakaiwan sa kanilang best-of-five semifinals wars para resbakan ang Star Hotshots, ngayon ay Magnolia, at angkinin ang tiket sa championship series.
“I have asked my players to remember that at ‘iyon ang magiging inspiration namin siguro for the series,” ani Victolero. “We’ve experienced that before and we’ll try our best na sana makuha namin ‘yung pangatlong panalo.”
Inaasahan naman ni veteran big man Joe Devance, hindi nakakalaro dahil sa kanyang fractured foot, na babangon ang Ginebra para makapuwersa ng Game Four.
“Were too good of a team to just layover and quit like that,” sabi ni Devance.
- Latest