^

PM Sports

Magnolia abante sa semis

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umeskapo ang Magnolia mula sa palabang Blackwater, 103-99 sa quarterfinals upang makasikwat ng agarang puwesto sa Final Four ng umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi ito naging madali dahil muntikan nang malustay ng Hotshots ang twice-to-beat na bentahe nito bilang fourth seed nang maghabol pa sa Elite, 84-91 6:11 minuto na lamang ang natitira sa huling kanto ngunit nanaig ang karanasan ng Magnolia sa bagitong Blackwater nang magpakawala ito ng 16-5 ratsada na tinuldukan ni Jio Jalalon upang agawin muli ang manibela, 100-96, 1:23 minuto na lang sa orasan.

Hindi naman bumitiw agad ang Elite nang magbuslo ng tres si Paul Zamar upang makadikit sila sa 99-100, 33 segundo pa sa orasan bago ang split free throws ni import Romeo Travis para sa ga-hibla pa ring kalamangan 101-99.

Nakasilip pa ng pag-asa ang Elite na manakaw ang laro at makapuwersa ng do-or-die match subalit sablay ang tres ni Nard Pinto sa huling limang segundo na nagbigay daan sa dalawang free throws ni Paul Lee na siyang nagselyo sa tagumpay.

Abante na sa best-of-five semi-finals ang Hotshots na haharapin ang mananalo sa Ginebra at NLEX na kasalukuyan pang naglalaban as of presstime.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with