Para Gamers bibigyan ng insentibo sa Nob. 6
MANILA, Philippines — Ang lahat na nag-uwi ng medalya sa nakaraang 2018 Asian Para Games ay tatanggap ng cash incentives base sa Republic Act 10699 (National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act 2001).
Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez na gaganapin sa Malacañang sa Nobyembre 6 ang pagbibigay ng nasabing cash rewards.
Sa Section 8 ng naturang batas, ang gold medalists ay tatanggap ng P1 milyon at P500,000 naman sa silver medalists, habang ang bronze medalists ay bibigyan ng P200,000.
Ang Team Philippines sa pangunguna ni swimmer Erwin Gawilan ay nag-uwi ng 10 golds, 8 silvers at 11 bronzes sa 18th Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia kamakailan.
Nahigitan ng tropa ang kanilang 5 silvers at 5 bronzes na napanalunan sa 2014 edisyon sa Incheon, South Korea.
- Latest