^

PM Sports

Balkman balik sa Alab-SMB

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Balkman balik sa Alab-SMB
Renaldo Balkman

MANILA, Philippines — Balik-Pinas si Renaldo Balkman upang tulungan ang San Miguel-Alab Pilipinas na madepensahan ang kampeonato nito sa pagbubukas ng 2018 -2019 Asean Basketball League.

Dumating na sa bansa ang 34-anyos na beteranong import kamakalawa ng gabi upang maghanda nang maaga kasama ang koponan, isang buwan pa bago ang pagbubukas ng ikasiyam na taon ng ABL sa Nobyembre 16.

Matatandaang nitong Mayo ay si Balkman din ang namuno sa koponan kasama ang katambal na si Justin Brownlee tungo sa kauna-unahan nitong kampeonato sa naturang regional tournament matapos ang 3-2 Finals series win sa karibal na Mono Vampire ng Thailand.

Sa naturang championship run ng Alab mula sa masamang 0-3 simula ay nagrehistro si Balkman ng 23.0 points, 10.9 rebounds, 3.4 assists, 2.2 steals at 1.9 blocks upang idagdag ang Co-Defensive Player of the Year award sa kanyang championship ring.

Matapos ang kanilang ABL combo ay kinuha naman sina Balkman at Brownlee ng San Miguel at Ginebra, ayon sa pagkakasunod, sa PBA Commissioner’s Cup kung saan sila ang natitirang nakatayo hanggang sa dulo.

Sa kasamaang palad para kay Balkman, ang kanyang kaibigan na si Brownlee ang nanaig matapos ang 4-2 Finals series win ng Gin Kings upang alisin sa trono ang Beermen.

Ang dalawa pa rin sana ang magsisilbing reinforcements ng Alab ngayong paparating na season subalit kasalukuyan pang naglalaro ang resident Ginebra import na si Brownlee sa PBA Governors’ Cup kung saan sila ang back-to-back champion.

Sa kabila nito, solidong import pa rin ang makakasama ni Balkman sa katauhan ni PJ Ramos na kapwa niya tubong Puerto Rico, upang giyahan ang Alab sa title defense nito.

Naglaro na rin sa PBA dati ang higanteng 7’4 na si Ramos para sa Kia Carnival, ngayon ay Columbian Dyip, noong 2015 Commissioner’s Cup.

Nakatakdang ianunsyo ng Alab ang kumpleto nitong roster sa mga susunod na linggo dahil sa ngayon ay naglalaro pa ang championship core nito sa ibat’ ibang liga sa bansa sa pa-ngunguna ng back-to-back ABL Local Most Valuable Player na si Rayray Parks Jr. na naglalaro sa Mandaluyong sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Bagamat magbubukas na sa Nobyembre 16 ang ABL, sa Disyembre 9 pa unang sasalang ang Alab kontra sa CLS Knights ng Indonesia.

Nagdagdag ang ABL ng dalawang koponan-- Zhuhai Wolf Warriors at Macau Black Bears -- na sasamahan ang mga original squads na Saigon Heat, Singapore Slingers, Westports Malaysia at iba pa.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

RENALDO BALKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with