^

PM Sports

Bedans abot kamay na ang twice-to-beat

Francisco Cagape - Pang-masa
Bedans abot kamay na ang twice-to-beat
Si Prinze Eze ng Perpetual laban kina Alvin Capobres at Michael Calisaan ng San Sebastian.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Tinambakan ng nagdedepensang San Beda Red Lions ang St. Benilde Blazers, 77-55 kahapon upang makasiguro ng playoff berth para sa huling twice-to-beat bentahe sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Impresibong laro ang ipinamalas ng San Beda upang itala ang kanilang pang-14th panalo sa 15 laro at muling umangat sa sosyohan sa top spot kasama ang Lyceum Pirates habang ang Blazers ay nakatikim sa kanilang pang-pitong talo sa 15 laro.

Sa likod ng kabiguan, nanatili pa rin ang Blazers ni coach TY Tang sa solo fifth spot at buhay pa rin ang pag-asang makapasok sa Final Four.

Umani ng 19 puntos, apat na assists at tatlong rebounds si Robert Bolick at tig-13 puntos bawat isa sina Javee Mocon at Donald Tankoua para sa Red Lions habang pinangunahan naman ni Senegalese import Clement Leutcheu ang Blazers sa kanyang 12 puntos at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, kahit may hinaharap na isyu ukol sa eligibilty ng ilang players, hindi nagpatinag ang Perpetual Help Altas matapos pataubin ang San Sebastian Stags via overtime 85-77 para masungkit ang pang-sampung panalo sa 15 laro.

Kumonekta si Edgar Charcos ng triple upang burahin ang 64-69 deficit at humirit ng limang minutong extension period, mahigit 1:49 ang natitira sa fourth quarter.

Sa overtime period, hindi na nagksaya ng oras ang Altas at nilimitahan ang Stags sa walong puntos lamang, 16-8 para manatili sa pang-apat na puwesto sa likuran ng nangungunang Lyceum Pirates (14-1), San Beda Red Lions (14-1) at Letran Knights (10-4).

Nagposte si Prince Eze ng 25 puntos, 23 rebounds at apat na blocks habang si Jielo Razon ay tumapos ng 13 puntos at 12 mula kay Charcos.

Si AJ Coronel ay umiskor din ng 15 puntos para sa Las Piñas-based team.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with