^

PM Sports

Tacloban wagi sa Falcons

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng Tacloban Fighting Warays ang Adamson University-Akari, 25-21, 25-12, 25-22 para masungkit ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Muling bumida para sa Fighting Warays si outside hitter Jovielyn Prado na gumawa ng 18 puntos tampok ang 15 attacks at tatlong blocks para uma-ngat ang kanilang tropa sa 2-1 baraha.

“Nung first game nag-a-adjust pa kami dahil medyo matagal din yung pahinga namin after nung Reinforced Conference. Kaya nung second game namin, kailangan lang naming mag-bounce back at kailangan naming ituluy-tuloy ‘yun,” ani Prado.

Sinubukang pumalag ng Lady Falcons sa third set nang kunin nito ang 21-19 abante mula sa off-the-block ni Chiara Permentilla at setting error ni Vira Guillema ng Fighting Warays.

Nakabawi agad ang Tacloban nang magtulong sina NCAA MVP Shola Alvarez, Heather Guino-o at Prado sa pagtarak ng magkakasunod na atake para maagaw ang momentum at makuha ang panalo.

Umiskor si Guino-o ng kabuuang 13 puntos samantalang nagdagdag naman si Mary Anne Esguerra ng 10 hits para sa Fighting Warays.

“Kapag organized ang blocking namin nagkakaroon kami ng floor defense kaya maganda rin ang blocking,” ani Tacloban coach Nes Pamilar.

Naglista si Permentilla ng 11 kills sa panig ng Adamson.

Hindi nakapaglaro si Lady Falcons top scorer Eli Soyud na nagpapaga-ling sa injury. Anim hanggang walong linggo ang kakailanganin ng opposite hitter upang tuluyang gumaling.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with