^

PM Sports

Bukas na ang tayaan sa Pacquiao-Mayweather 2

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa man naisasara ang negosasyon para sa kanilang rematch ay nagbukas na ang betting line para kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Ayon sa Bovada sportsbook, si Mayweather ay tatayong -230 (10/23) sa mga oddsma-kers kung saan ang tataya sa kanya ng $230 ay mananalo lamang ng $100, habang magbubulsa naman ng $180 ang tataya kay Pacquiao (+180 underdog) ng $100).

“We had discussed making him a bigger favorite, but Pacquiao has a significant bettor following and other players would not bet on  Mayweather because they just do not like him,” sabi ni Bovada sportsbook ma-nager Kevin Bradley sa panayam ng Forbes.

“So far the odds seem to be spot on, as we are taking balanced action on both fighters,” dagdag pa nito sa pinaplantsang rematch nina Pacquiao at Mayweather.

Kamakailan ay inihayag ng 41-anyos na si Mayweather (50-0-0, 27 KOs) sa kanyang Instagram ang pag-uusap nila ng 39-anyos na si Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) para sa isang rematch sa Disyembre.

Ngunit posible itong maitakda sa Enero ng susunod na taon bunga ng kawalan ng kondisyon ni Mayweather, tinalo si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.

“Kung December, dapat ma-finalize na,” sabi ng Filipino world eight-division champion sa muli nilang bakbakan ng American world five-division titlist.

Ang nasabing mega showdown nina Pacquiao at Mayweather ay humakot ng $4.6 milyon sa Pay-Per-View at $72.2 milyon sa takilya.

Huling lumaban si Mayweather noong Agosto ng 2017 matapos niyang talunin si UFC superstar Conor McGregor via tenth-round TKO.

Umiskor naman si Pacquiao ng seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse para agawin sa pambato ng Argentina ang suot nitong World Boxing Association welterweight crown noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sisimulan ni Pacquiao, nangakong ilalatay ang kauna-unahang kabiguan ni Mayweather, ang kanyang light training sa pagtatapos ng buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with