^

PM Sports

Mojdeh 4 swimmers pa naka-3 gold medals na

Francisco Cagape - Pang-masa
Mojdeh 4 swimmers pa naka-3 gold medals na
Mikaela Jasmine Mojdeh

2018 Batang Pinoy National finals

BAGUIO CITY , Philippines — Umarangkada ng tigalawang gintong medalya sina Mikaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque, Zoe Marie Hilario ng Quezon City at Roshanne Ysabelle Biglete ng Laguna sa swimming event kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Batang Pinoy National Finals sa Baguio Aquatic Center dito.

Dinomina ng 12-anyos na si Mojdeh ang girls 12-year 50-m butterfly (30.57) at 400-m IM (5:37.70) para masungkit ang ikatlong gintong medalya kabilang na ang 100-m butterfly (1:05.92) sa unang araw.

Sinubukan ng Grade 7 estudyante ng Immaculate Heart of Mary College ang pang-apat na ginto ngunit dahil sa sobrang lamig sa pool, nag-cramps siya at tumapos lamang sa silver medal sa 200-m breaststroke (2:59.68) sa likuran ni Roz Ciaralene Encarnacion ng Laguna na nagtala ng 2:55.02.

“Okay naman ang performance ko ngayon dito. Kaya lang sobrang lamig na talaga ng tubig kaya nag-cramp akos sa 200-m breaststroke,” sabi ni Mojdeh na susubukang masungkit ang pang-apat na ginto sa 400-m IM ngayong araw.

Si Hilario naman ay namayani sa girls 13-15-year 400-m IM (5:44.26) at 200-m breaststroke (2:31.67) habang si Biglete ay nagwagi sa girls 12-year 200-backstroke (2:34.33) at 50-m freestyle (29.85).

Sina Mojdeh, Biglete, Hilario, Mervien Jules Mirandilla ng Lucena at Althea Michel Baluyot ng Quezon City ay nakakuha na ng tig-tatlong gintong medalya bawat isa sa kanila kaya dikdikan ang laban para sa most bemedalled swimmer sa kumpetisyon.

Si Baluyot ay nagwagi sa girls 13-15-year 50-m freestyle (28.70) kahapon para sa karagdagang medal haul kabilang ang dalawa noong Lunes.

Sa loob ng dalawang araw pa lamang, nangunguna pa rin ang Lucena sa kanilang siyam na gintong medalya kabilang ang tatlo kahapon kasunod ang Laguna sa pito pati na ang apat kahapon at pito rin sa Quezon City kabilang ang apat rin kahapon.

Umani naman ng tig-tatlong ginto ang host at nagdedepensang Baguio City at Pangasinan sa taekwondo na ginanap sa University of Baguio gym.

Nasungkit ni Lei Ramon ang ginto sa cadet female featherweight category habang ang kanyang kapatid na si Rain Ramon ay nanalo sa lightweight division. Nagwagi rin sina Gabriel Ivan Inacay, Jhay Ceniza at Zeick Andrei Tacay sa cadet category ng Poomsae event.

vuukle comment

MIKAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with