^

PM Sports

Higante ang import ng Meralco

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Higanteng import sa katauhan ng 7’1 na si Liam McMorrow ang kinuha ng Meralco upang mapalakas ang kanilang tsansa sa pagkatawan sa bansa sa nalalapit na 2018 International Basketball Federation (FIBA) Asia Champions Cup sa susunod na linggo.

Inaasahan ni head coach Norman Black ang pagdating ni McMorrow ngayong gabi upang magkaroon pa sila ng sapat na paghahanda bago nga ang naturang Champions Cup na nakatakda sa Nonthaburi, Thailand mula sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 2.

Makakatambal ni McMorrow ang back-to-back Best Import ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Allen Durham sa misyon ng Bolts na mairepresenta nang magiting ang Meralco at ang bansa.

Tubong Vancouver, Canada, kagagaling lang ng 31- anyos na si McMorrow sa magilas na kampanya kasama ang Taiwan Beer sa Taipei Basketball SuperLeague.

Ngunit hindi ito ang magiging unang pagkaka-taon na masisilayan sa PBA team si McMorrow dahil naglaro na rin siya sa Tenesse Tech standout sa Barako Bull noong 2015 PBA Governors’ Cup kung kailan pinayagang magparada ng unlimited height import ang mga kulelat na koponan.

Bago naman sumalang sa pagsasanay sina McMorrow, Durham at Bolts ay sasagupa muna ang koponan sa pansamantalang huling laro nito sa PBA Govenors’ Cup kontra sa Phoenix bukas.

Ang laban naman nito kontra Rain or Shine sa Setyembre 28 ay ililipat ng PBA bilang suporta sa koponang napili ng liga na kumatawan sa bansa matapos ang PBA Board Annual Planning Session noong nakaraang linggo sa Las Vegas.

Sa kabila ng inaasahang solidong pares nina McMorrow at Durham ay hindi magiging madali ang misyon ng Bolts lalo na’t kagrupo nito sa Group B ang nagdedepensang kampeon na Al Riyadi, Alvarck Tokyo mula sa Japan B. League at Mono Vampire ng Thailand na siyang runner-up ng San Miguel-Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Sa Group A naman magkaka-pangkat ang mga solido ring koponan na Pauian Archilland ng Taiwan, Petrochimi ng Iran, Seoul SK Knights ng Korean Basketball League (KBL) at Liaoning Flying Leopards ng Chinese Basketball Association (CBA).

Hangad ng Meralco na maalpasan ang ikalimang puwestong pagtatapos ng Chooks-to-Go—Pilipinas noong 2017 FIBA Asia Champions Cup na ginanap naman sa Chengzou, China.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with