^

PM Sports

Bomogao naka-gold sa IFMA World Championships

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naibulsa ng junior muay team ang isang ginto, dalawang pilak at apat na tansong medalya sa prestihiyosong 2018 IFMA Youth World Championships na ginanap sa National Stadium sa Bangkok, Thailand.

Hindi hinayaan ni Islay Erika Bomogao na umuwing bokya ang Pilipinas sa ginto nang masikwat nito ang kampeonato sa girls’ 42 kgs. 16-17 years category.

Inilampaso ni Bomogao sa semifinals si Berflin Eftelya Guder ng Turkey kasunod ang pagpapataob kay Nisara Kamkot ng Thailand sa finals.

Nagkasya naman sa pilak na medalya sina Jeriel Gabe Co (boys’ 32 kgs. 10-11 years) at Ashley Jazmine Gavina (girls’ 42 kgs. 12-13 years) matapos yumuko sa kani-kaniyang gold-medal matches.

Galing naman ang tanso kina 2015 Royal World Cup champion Ghenyan Berdon (boys’ 45 kgs. 16-17 years), Kristian Narca (boys’ 48 kgs. 16-17 years), Prince Ian Berdon (boys’ 42 kgs. 14-15 years) at Zoren Ardales (boys’ 45 kgs. 14-15 years).

Tangan ang kabuuang pitong medalya, nagtapos ang Pilipinas sa ika-12 puwesto sa torneong nilahukan ng 86 bansa.

Nanguna ang host Thailand na may 30 ginto, 13 pilak at 21 tanso kasunod ang Russia na nakalikom ng 26 ginto, 19 pilak at 14 tanso at Amerika na nagtala ng walong ginto, dalawang pilak at dalawang tanso.

Itinanghal namang Female Rising Star si Gavina habang Best Muay Boran sina Narca ay Ghenyan.

vuukle comment

IFMA YOUTH WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with