^

PM Sports

Perpetual nakatakas sa JRU

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakawala si Jielo Razon ng apat na triples sa second half kabilang na ang dalawang sunod sa huling segundo para itakas ng  Perpetual Help Altas ang 78-72 panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Binura ng rookie na si Razon ang 72-72 tabla mula sa three-point area mahigit 1:12 pa ang natitira at pagkaraan ng ilang segundo, bumitaw na naman ng isa pang triple para iangat ang Altas sa 78-72 panalo at umabante sa sosyohan sa ikatlong puwesto kasama ang Letran Knights sa parehong 4-2 win-loss kartada.

Kagaya ng inaasahan, umiskor si Edgar Charcos ng 25 puntos na may kasamang siyam na rebounds at limang assists habang si Cameroonian import Prince Eze ay tumulong din ng pitong puntos at pitong rebounds para sa Altas ni coach Frankie Lim. Tumapos si Razon ng 18 puntos at 16 naman mula kay AJ Coronel.

Sa kanilang ikalawang sunod na panalo, umangat ang Altas sa 4-2 katabla ang pahingang Letran habang lalong nabaon ang JRU sa 0-7 slate.

Sa ibang laro, pinutol na ng College of St. Benilde Blazers ang two-game slump sa pamamagitan ng pagpataub sa Emilio Aguinaldo Generals, 84-71 upang umakyat sa pang-anim na puwesto.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with