NCAA games postponed
MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang pagbuhos ng malakas na ulan bunga ng supertyphoon Gardo (Maria), nagpasiya ang NCAA Management Committee na ipagpaliban ang nakatakda sanang anim na laro sa araw na ito sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Ipinahayag ni NCAA Mancom chairman Frank Gusi ang pagpapaliban ng six-game schedules sa ibang araw.
“Because of the bad weather, we are postponing all NCAA games tomorrow (ngayon),” sabi ni Gusi kahapon.
Ang mga larong hindi matutuloy ay ang laban ng San Beda Red Lions sa Arellano Chiefs at ang inaasahan sanang magandang sagupaan ng Perpetual Altas at St. Benilde Blazers gayundin ang laro ng Letran Knights at EAC Generals.
Tatlong laro sa juniors division din ang apektado kabilang na ang paghaharap ng Lyceum Junior Pirates at EAC Brigadiers at ng Perpetual Altalettes at CSB-DLSU Greenies at ng Arellano Braves at San Beda Red Cubs.
Samantala, hindi na makapaglalaro ang beteranong si Kent Salado para sa Arellano Chiefs ni coach Jerry Codiñera dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) injury.
Sa panig naman ng College of St. Benilde Blazers ni coach TY Tang, muling magla-laro na si Yankie Haruna para sa taong ito.
Si Haruna ay hindi nakalaro sa maraming games ng Blazers noong nakaraang taon dahil sa shoulder injury.
- Latest