^

PM Sports

Howard pipirma na sa Washington

Pang-masa
Howard pipirma na sa Washington
Dwight Howard

WASHINGTON - Napanalisa na ni All-Star center Dwight Ho-ward ang isang buyout sa Brooklyn Nets at nakatakda nang pumirma sa isang one-year deal sa Wizards.

Maglalaro si Howard sa Washington sa pamamagitan ng taxpayer mid-level exception na nagkakahalaga ng $5.4 milyon sa loob ng isang taon.

Noong Hunyo 20 ay ibinigay ng Nets ang dalawa nilang future second-round picks, cash considerations at si center Timofey Mozgov sa Charlotte Hornets para makuha si Howard.

Kinabukasan ay napaulat na inaasikaso na ni Howard at ng Nets ang isang buyout para tanggalin ang kanyang $23.8 million 2018-19 salary mula sa kanilang libro.

Bago ang nasabing buyout ay maglalaro sana ang 32-anyos na si Howard sa final season ng kanyang three-year, $70.5 million deal na nilagdaan niya sa Atlanta Hawks noong 2016.

Samantala sa Houston, ang pagdating ni Michael Carter-Williams ang tutulong kina MVP James Harden at Chris Paul sa backcourt ng Rockets.

Pumayag si Carter-Williams na pirmahan ang one-year minimum deal para makasama sina Harden at Paul sa Houston.

vuukle comment

DWIGHT HOWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with