^

PM Sports

Donnalyn at Ella hindi binigyan ng leading man

Vir Gonzales - Pang-masa
Donnalyn at Ella hindi binigyan ng leading man
Donnalyn Bartolome at Ella Cruz

MANILA, Philippines — Sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome ang mga bagong mukha na bini-build up ng Viva Films ngayon sa pelikulang Cry No Fear na idinirek ni Richard Somes na ipapalabas na ngayon.

Grabe raw ang hirap ni Ella habang ginagawa ang nasabing pelikula, bumuhos pa raw ang malakas na ulan at nagkasakit siya, pero tuloy pa rin daw si Ella at walang kiyeme sa shooting.

Malaki ang tiwala ng Viva kina Ella at Donnalyn. Imagine, wala silang leading man, puro takutan at takbuhan ang mga eksena.

Samantala, usap-usapang si Ella raw ay girlfriend na ni Julian Trono na nagbida naman sa pelikulang Squad Goals, pero tikom pa rin ang bibig nila hanggang ngayon.

Kristine walang kwenta ang role sa Bagani?!

Bakit naman kaya ganon ang ibinigay na role kay Kristine Hermosa sa seryeng Bagani. Nagbalik-telebisyon nga siya pero puro naman siya nakamaskara at orasyon. Ni hindi nga siya makilala ng fans.

Bakit daw ba awayan na lang nang awayan ang mga bagani sa tuwing mag-uusap? Ano ba talaga ang mensahe ng Bagani sa mga tagapanood?

Allen gustong makagawa ng pelikulang may nanonood

Kamakailan lang ay nabigyan ng award si Allen Dizon ng FAMAS bilang Best Actor sa pelikulang Bomba pero parang hindi pa siya kuntento dito, gusto rin daw niyang magkaroon ng role na tatatak sa isipan ng mga tao at makasama sa mga bigating pelikula. Kahit naman daw kasi nabigyan siya ng award ng FAMAS, eh hindi naman daw napanood ng marami.

Maligayang Kaarawan!

Greetings sa mga June celebrants: Action star Tony Ferrer, Carla Abellana, Ryzza Mae Dizon, John Estrada, Jimmy Gil, Sec. Bong Go, Joshua Aquino, Ramon Yuzon  at Karylle.

vuukle comment

DONNALYN BARTOLOME

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with