^

PM Sports

Nag-rerekober na si Jeron Teng

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa masabi ni Jeron Teng kung kailan siya makakabalik sa paglalaro sa Philippine Basketball Association.

Ito ay sa kabila ng kanyang pag-labas sa wakas ng St. Luke’s Medical Center kamakalawa ng gabi matapos ang halos isang linggong pagkaka-confine kasunod ng natamong sugat sa kinasangkutang saksakan sa Early  Night Bar sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Hunyo 3.

“As of present, I am now recovering at home and being closely monitored by my family and doctors,”anang 24-anyos na si Teng na nagparamdam sa social media sa kauna-unahang pagkakataon.

Magugunitang noong nakaraang Sabado ay nasangkot si Teng kasama ang mga kapwa dating La Salle players na sina Norbert Torres at Thomas Torres sa isang madugong away na nagresulta sa pagkakasaksak ng tatlo.

Nagtamo ng tatlong saksak sa likod si Teng, kinailangan naman ng 11 tahi ni Norbert sa kaliwang braso habang nalaslas ang triceps ni Thomas sa natu-rang insidente.

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Teng sa bahay ngunit nananatiling kwestiyonable ang pagbabalik para sa koponan ng Alaska na kinuha siya bilang 5th overall pick sa PBA Rookie Draft nitong nakaraang taon.

“The time that I’m going to be back inside the court is still uncertain. For now, I am focusing on my recove-ry with the help of family and friends. Thank you Lord,’dagdag niya.

Nagpasalamat din si Teng sa kanyang mga tagasuporta na nakatulong sa kanya ng malaki habang nasa ospital sa nakalipas na linggo.

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with