^

PM Sports

Mika, Aiza kasama sa Baguio PSL All-Stars

Chris Co - Pang-masa
Mika, Aiza kasama sa Baguio PSL All-Stars
Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas

MANILA, Philippines — Higit pang magniningning ang Philippine Superliga All Stars na darayo sa Baguio City sa Hun-yo 9 hanggang 10 dahil dalawa pang popular na manlalaro ang kumpirmadong darating.

Kasama na sa listahan sina PSL ambassador Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas na parehong miyembro ng reigning Grand Prix champion Petron para samahan ang kanilang katropang sina Ces Molina, Chloe Cortez at Carmela Tunay.

Magiging kapalit nina Reyes at Maizo-Pontillas si Petron veteran playmaker Rhea Dimaculangan na nauna nang napasama sa listahan.

Hahataw din sina Kim Fajardo, Aby Maraño at Michelle Morente ng F2 Logistics, Aerieal Patnongon at Denden Lazaro ng Cocolife, Mikaela Lopez at Carol Cerveza ng Generika-Ayala, Jheck Dionela ng Cignal HD, Rica Rivera at Pamela Lastimosa ng Sta. Lucia Realty, Maika Ortiz at Carmina Aganon ng Foton at sina Christine Agno at Mary Jane Balse-Pabayo ng Smart.

Nakatakda muna ang Meet and Greet sa Sabado sa SM City Baguio kung saan may pagkakataon ang mga fans na makapagpapirma at magpakuha ng litrato kasama ang kanilang mga iniidolong manlalaro.

Sa Linggo, tutulak ang grupo sa University of Baguio gymnasium sa alas-5 ng hapon para sa isang Exhibition Game.

vuukle comment

AIZA MAIZO PONTILLAS

MIKA REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with