^

PM Sports

Sa Batangas naman magpapasikat ang mga PBA All Stars

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Papagitna ang mga asintado at malalakas sa dakdakan sa second stage ng 2018 PBA All-Star Game sa Batangas City Coliseum  bukas.

Sasabak naman ang mga big men sa Obstacle Challenge sa nasabing ikalawang yugto na magtatampok sa paghaharap ng Smart National Team at PBA Luzon All Stars.

Nakatakda ang All-Star Game sa ganap na alas-7 ng gabi.

Nasa Luzon squad ni coach Leo Austria ng San Miguel sina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, LA Tenorio, Paul Lee, Jayson Castro, Stanley Pringle, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Ang mga magsusuot naman ng uniporme ng Smart Team ay sina June Mar Fajardo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Mac Belo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Tinalo ng Nationals ang Luzon All Stars sa Lucena noong 2017 PBA All-Star Games.

Sa alas-4 ng hapon sisimulan ang skills challenge na bubungaran ng Obstacle Challenge kasunod ang three-point shootout at slam-dunk competition.

Pangungunahan ni dating MVP winner Asi Taulava ng NLEX ang mga big men sa Obstacle Challenge, idedepensa naman ni Allein Maliksi ang kanyang korona sa three-point shootout at hangad naman ni titleholder Chris Newsome na maipagtanggol ang kanyang titulo sa slam dunk contest.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Mindanao Selection team at ang Smart All Stars sa Digos City sa Davao del Sur.

Sa linggo, pasasayahin ng PBA ang Iloilo sa sagupaan ng Mindanao All Stars at Smart All Stars.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with