^

PM Sports

MPBL may bagong rules sa Fil-Foreign players

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinagot ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang mga katanungan at kritisismo sa kanila sa gitna ng kontro-bersyal na one 6’4 or under Filipino-Fo-reign player rule nito.

Ayon sa pahayag ni Commissioner Kenneth Duremdes at MPBL legal counsel Atty. Brando Viernesto, hinimok nila ang lahat ng 25 na koponan na magpasa ng kaukulang dokumentong nagpapatunay sa kanilang mga Fil-Foreign player na ‘eligible’ silang maglaro.

Ilan sa mga batayang kanilang inilabas upang mapayagan ang isang Fil-Foreign na makapaglaro sa MPBL ay at least 2-year residency sa bansa o di kaya’y nakapaglaro ng kolehiyo sa Pilipinas.

Isa din dapat sa kanilang magulang ay natural born Filipino citizen at may Philippine passport.

Kamakailan lamang ay pumutok ang ulat ng pagkuha ng Mandaluyong El Tigre sa dalawang Filipino-Americans na sina Lawrence Domingo at Rayray Parks Jr. na pawang key players ng Asean Basketball League champion na Alab Pilipinas.

Kailangan lamang mamili ng Mandaluyong sa dalawang manlalaro ayon sa MPBL na siyang nag-ugat nga sa mga batikos na ibinabato sa kanila sa mga nakaraang araw.

Ngunit ayon sa mga batayang inilabas ng MPBL ay maaari aniyang ikunsidera si Parks Jr. na lokal na manlalaro.

Anak si Parks Jr. ng dating Philippine Basketball Association (PBA) import na si Bobby sa Filipinang si Marifer Celina Barbosa. Dito siya ipi-nanganak at lumaki at sa katunayan ay nag-aral pa sa National University sa University Athletic Association of the Philippines kung saan siya nagwagi ng dalawang Most Valuable Player awards.

Makailang ulit na rin niyang ini-representa ang Pilipinas sa international competitions.

“Given all these, can we consider si Ray Parks as a local?” tanong naman ng Mandaluyong team co-owner na si Bernice Ilagan.

Iyan ang kailangang patunayan ni Parks Jr. batay sa mga ipapasa niyang dokumento na magpapatunay na siya ay local player.

vuukle comment

KENNETH DUREMDES

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with