^

PM Sports

Tacloban at BanKo-Perlas pakay ang win No. 2

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng Tac­­loban at Banko-Per­las na ma­kisosyo sa liderato sa ka­nilang pag­tatagpo sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference Season 2 sa FliOil Flying V Center sa San Juan City.

Tangan ang parehong 1-1 kartada, mag­haharap ang Fighting Wa­rays at Perlas Spi­kers ngayong alas-6:30 ng gabi.

Kapwa asam din ng BaliPure Water Defen­ders at Petro Gazz Angels ang unang panalo sa kanilang pagtutuos sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s division, mag­tatagpo naman ang Vice Co. Blockbusters at Cignal HD sa alas-10 ng umaga at magtutuos ang PLDT Home Ultera at IEM Volley Masters sa alas-12 ng tanghali.

Ang Fighting Warays ay galing sa 25-17, 27-25, 21-25, 14-25, 15-13 panalo sa Petro Gazz no­ong Mayo 9, habang ang Perlas Spikers naman ay nagmula sa 1-1 win-loss performance sa road game noong Sabado at Linggo sa Tugue­garao City.

Unang tinalo ng Perlas Spikers ang Creamline, 22-25, 25-16, 25-23, 17-25, 15-11, noong Mayo 12, ngunit nabigo naman sa mga kamay ng Pocari Sweat, 25-15, 15-25, 18-25, 22-25, kinabukasan para sa three-way tie mula sa ikaapat hanggang ikaa­nim na puwesto kasama ang Pocari at Tacloban sa parehong 1-1 marka.

Ang magwawagi sa laban ng Tacloban at Banko-Perlas ay aabante sa top spot kasama ang Creamline at PayMa­ya High Flyers.

Sasandal ang Figh­ting Warays kina Thai imports Amporn Hya­pha at Sasiwimol Sang­pan at sa mga locals sa pangunguna nina reig­ning NCAA MVP Sho­la Alvarez, Jovielyn Pra­do, Heather Guino-o, An­­drea Marzan, Regine Aro­cha at  Kyle Negrito.

Itatapat naman ni coach Ariel de la Cruz ng Perlas Spikers sina im­port Jutarat Montri­pila ng Thailand at Kia Bright ng US at sa mala­king suporta mula kina  Amy Ahomiro, Sue Ro­ces, Rysabelle Devana­dera, Dzi Gervacio, libe­ros Gizelle Tan, Ella de Jesus  at setter Fenela Emnas.

 

 

vuukle comment

2018 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with