^

PM Sports

Bucks center ibabandera ng Australia laban sa Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Bucks center ibabandera ng Australia laban sa Gilas
Si Thon Maker sa isang laro ng Milwaukee Bucks.

2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers

MANILA, Philippines — Higante at de-kalibreng katunggali ang haharang sa daan ng Gilas Pilipinas sa papalapit na third window ng 2019 International Basketball Federation (FI­BA) World Cup Asian Qualifiers sa Hulyo.

At ito ay walang iba kundi ang 7-foot-1 na sentro ng Mil­waukee Bucks na si Thon Maker na kinumpir­mang sasalang sa kauna-unahang pagkakataon para sa koponan ng Australia.

Tangan ngayon ng Boomers ang 4-0 kartada sa tuk­tok ng Group B at may tsansang mapanatili ang ma­linis na baraha sa paparating na laro sa Hunyo 29 kontra sa Japan at Hulyo 2 laban sa Gilas.

“I’m planning on coming to play for the national team this summer for the games against Japan and the Philippines,” ani Maker sa pahayag na inilabas sa opisyal na website ng FIBA.

“We have been speaking a lot about it with Matthew Dellavedova and I’m excited to play with the national team for the next qualifying window,” dagdag pa nito.

Na-draft bilang 10th overall pick noong 2016 NBA Rookie Draft, malaking piraso ang seven-foo­ter na sentro sa kampanya ng Bucks sa mga nakaraang taon sa pangunguna ng lider na Greek superstar na si Giannis Antetokounmpo.

Ngunit natanggal agad ang Bucks sa first round ng Eastern Conference playoffs nang daigin ng Boston, 3-4, kaya’t naging libre ngayon para sa Australia.

Magugunitang nagkaroon din ng tsansa ang 21-anyos na si Maker na makapagsanay sa ilalim ng NBA legend na si Kevin Garnett.

Ang karanasang iyon kasama na ang NBA stint ang inaasahang madadala ni Maker sa kargado ng ko­ponan ng Boomers na binabanderahan nina Mitch Creek at Cameron Gliddon.

Tiwala at umaasa si Maker na kaya nilang tapusin ang kampanya na unbeaten upang makasikwat ng tiket papunta sa 2019 World Cup sa China.

“Both games are going to be tough, but we want to finish the First Round without any losses,” wika ni Maker

Sa kabila nito, alam naman ni Maker na mapapa­sabak sila nang sobra sa Gilas lalo’t sasagupa sila sa inaasahang aapaw na homecrowd sa Hulyo 2 sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“The Philippines is a team with a lot of international experience. We all know that their fans love basketball and are going to push for their guys, and as they lost in the first game against us, they will want to win at home,” sabi ni Maker.

Nasa ikalawang puwesto sa Group B hawak ang 3-1 baraha, magtatangka ang Gilas Pilipinas na ma­kabawi sa homecourt nito matapos makalasap ng 68-84 kabiguan sa second window na ginanap sa Margaret Court Arena sa Melbourne noong Pebrero.

Bago iyon, hahangad namang makaulit ng pana­lo ang Gilas sa Chinese-Taipei matapos ang 90-83 pana­lo sa unang window noong nakaraang Nobyembre, sa rematch nila sa Hunyo 29 sa Taipei Heping Gym­na­sium sa Taiwan.

vuukle comment

FI­BA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with