^

PM Sports

Paymaya diretso sa ikalawang panalo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng ins­piradong Pay­­Maya ang kanilang rat­sada ma­tapos pataubin ang nag­dedepensang Pocari Sweat-Air Force, 25-20, 25-19, 25-22, para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa pagdayo ng 2018 Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa People’s Gym sa Tuguegarao City kahapon.

Kahit sa sobrang init sa loob ng airconditioned gym ay hindi nag­pa­tinag sina import Tess Rountree at Jerrili Malabanan at ipinakita pa rin ang matikas na laro para sa mga High Flyers at ipalasap sa La­­dy Warriors ang unang pagkatalo sa import-la­den conference.

Umiskor ang Amerikanong si Rountree ng li­mang atake at nag-ambag naman ng tatlo si Malabanan para sa 25-20 bentahe ng PayMaya sa first set.

Mula doon tuluy-tuloy na ang magandang opensa at depensa ng tro­pa ni head coach Roger Go­rayeb upang itala ang 25-19 kala­ma­ngan sa second set.

Umani ang 24-anyos na si Rountree ng 18 puntos kabilang na ang 16 atake at dalawang blocks, habang ang FEU Lady Tamaraws standout na si Malabanan ay nagdagdag din ng siyam na puntos para sundan kaagad ang kanilang na­unang 25-8, 33-31, 25-20 panalo laban sa Tac­loban Fighting Warays noong Mayo 6.

Bukod kina Rountree at Malabanan, tumulong din ng 8 puntos si Shelby Sullivan, lima naman mula kay Aiko Urdas at tatlo kay Celine Domingo, ang huli ay isang atake para tapusin ang third set sa 25-22.

“I think, we have a good game. We’re be­co­­ming a good team, we’re helping each o­ther in practice. It’s real­ly good playing here. It’s a good experience,” pahayag ni Roun­tree.

Pinamunuan naman ni My­la Pablo ang Po­cari mula sa kanyang 12 puntos,.

Si American import Maddie Pal­mer ay umiskor lamang ng siyam na puntos at siyam din kay Jeanette Panaga at anim mula sa isa pang im­port na si Arielle Love.

“Dalawang magka­su­­nod na laro, ‘yun ang concern ko. Sabi ko rin sa kanila, playing two games in a row tapos ang init pa sa Tugue­ga­rao,  hindi ano eh, hindi pla­yer-friendly. Alam naman natin ang tempe­rature, tapos maglalaro ka dalawang sunod but nandito na kami we just have to follow,” sabi ni Gorayeb.

Samantala, hangad na­man ni Gorayeb ang ikatlong sunod na panalo sa pagharap ng PayMaya kontra sa Creamline Cool Smashers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Ban­­ko-Perlas at Pocari sa alas-2. 

 

vuukle comment

PAYMAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with