^

PM Sports

May maaasahan ang Magnolia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Jio Jalalon na karapat-dapat siyang maglaro sa Philippine Basketball Association.

Tumapos ang sophomore guard na may career-high na 25 points, tampok ang apat na three-point shots, bukod pa ang limang rebounds, tatlong assists at dalawang steals para tulungan ang Magnolia sa 106-99 panalo laban sa NLEX sa Game Three ng kanilang semifinals series para sa 2018 PBA Philippine Cup noong Miyerkules.

Nagtala si Jalalon ng 9 points, 6 rebounds at 10 assists sa 99-86 paggiba ng Hotshots sa Road Warriors sa Game One.

“I told him na in order to establish himself sa PBA, he needs this series para kahit papaano makuha ‘yung momentum niya and his confidence,” sabi ni coach Chito Victolero kay Jalalon. “Happy ako na nag-respond siya sa challenge ko.”

Inaasahang sasakyan ni Jalalon ang maganda niyang inilaro kamakalawa sa pagsagupa ng Magnolia sa NLEX sa krusyal na Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Pasalamat ako kay coach Chito na binigyan niya ako ng tiwala. Nagagawa ko na rin ‘yung ta-lent ko dito sa semis, sana magtuluy-tuloy,” sabi ng dating star guard ng Arellano Chiefs sa NCAA.

Kung muling mananalo ang Hotshots sa ikatlong sunod na pagkakataon laban sa Road Warriors, itinakbo ang Game One, 88-87 ay lalapit sila sa pang-28 Finals appearance at hahangarin ang ika-14 kampeonato.

Bukod kay Jalalon ay muli ring sasandigan ng Magnolia sina combo guard Paul Lee, Ian Sangalang at mga veterans na sina PJ Simon, Mark Barroca at Rafi Reavis.

Naniniwala naman si mentor Yeng Guiao na makakabangon ang NLEX para maitabla ang serye sa 2-2 panalo-talo.

“We will fight harder on Friday. We know that’s a make or break game for us so well see what happens,” wika ng seven-time champion coach.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Ginebra sa Game Four ng kanilang best-of-seven semifinal series kagabi.

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with