^

PM Sports

Atomicseventy nine at sakima parehong wagi

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nagwagi ang dalawa sa itinutu­ring na mahusay na mga kabayong pangarera na imported runners mula sa USA na Atomicseventynine at Sakima kahapon sa San Lazaro Leisure Park.

Sa ginanap na 2017 Philippine Racing commission 2nd leg ng Imported versus Local Challenge Race ay hindi nakaporma sa Atomicse­ventynine ang mga kalaban na parehong mga locally-bred horses.

Maski pa maikli ang distansiyang 1,500 meters ay ang Atomicseventynine pa rin ang siyang naging unang paborito para sundan ng mga backers niya na nagsadya pa sa karerahan ng San Lazaro.

Unang lumundag ang matuling Skyway na minaniobra ni Onil P. Cortez at sinundan kaagad ng Lakan at naroroon na rin sa ikatlong puwesto ang eventual winner na Atomic­seventynine.

Bago pa man sumapit sa huling kurbada ay nakita na nina jockey Rodeo G. Fernandez at Atomicse­ventynine na nasa unahang puwesto na sila.

Nagbibo pa ang Atomic­seventynine sa rekta at lumayo pa ito sa kanyang mga kalaban na kalaunan ay senegundahan ng pangarera ni Benhur Abalos III na Kanlaon na nanggaling sa likod.

Tersero ang kabayo ni Hermie Esguerra na Manalig Ka na sinakyan ni Mark M. Gonzales at pang-apat lang ang Lakas na pinatakbo ni Andrew Villegas.

Ang panalo ay nangahulugan ng panibagong P300,000 unang premyo para sa koneksyon ng Atomicseventynine na sina horseowner Joseph C. Dyhengco, Anthony L. Francisco at Rodeo G. Fernandez.

Ang runner up purse na P112,500 ay napunta naman sa may-ari ng Kanlaon at ang P62,500 ay naiuwi rin ng handlers ng Manalig Ka at natirhan lang ng P25,000 fourth prize ang koneksyon ng Lakan.

Sa isa namang Han­dicap-9 ay nangibabaw ang husay at bilis ng isa pang imported runner na Sakima na kapatid sa ama ng Atomicseventynine.

Mula sa ganador na Curlin at inahing Queen Of Kills, ang may limang taong lalakeng alasan ay outstanding favorite rin ng tumakbo sa grupo.

Nagpauna lang sa grupo ang mabilis na Airborne Magic na dinala ni Mark M. Gonzales bago ipinuwesto ni John Alvin Guce ang Sakima sa likuran nito.

At katulad ng Ato­micseventynine, malayo rin ang agwat ng Sakima sa kanyang mga kalaban na sinegundahan rin ng Airborne Magic at tersero rito ang Puting Biyaya. JMacaraig

vuukle comment

USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with