^

PM Sports

Griffin, Clippers pinatumba ang Sacramento Kings; James nagbalik sa panalo ng Cavs kontra sa Pistons

Pang-masa

SACRAMENTO, Calif. — Kumolekta si Blake Griffin ng 29 points, 7 rebounds at 6 assists para banderahan ang Los Angeles Clippers sa 121-115 panalo laban sa Kings.

Ito ang pang-walong panalo ng Clippers (11-2) sa kanilang huling siyam na laro para sa NBA best record.

Kaagad nagposte ang Clippers ng 26-point lead sa opening half at hindi pa natatalo sa kanilang anim na road games ngayong season.

Nagsalpak si J.J. Redick na anim na 3-pointers at umiskor ng 22 sa kanyang 26 points sa first half para sa Clippers.

Humakot naman si center DeAndre Jordan ng 16 points at 12 rebounds kasunod ang 12 points ni Austin Rivers, habang nagtala si guard Chris Paul ng 11 points, 12 assists at 9 rebounds.

Pinamunuan naman ni DeMarcus Cousins ang Kings sa kanyang 38 points, 13 rebounds at 7 assists.

Nagdagdag naman si Ty Lawson ng 18 points, 8 assists at 7 rebounds, habang may 16 markers si Darren Collison para sa Sacramento.

Sa Cleveland, nagposte si Kyrie Irving ng 11-of-15 fieldgoals shooting para sa kanyang 25 points at igiya ang Cavaliers sa 104-81 panalo laban sa Detroit Pistons.

Nagdagdag pa si Irving ng 11 assists para sa Cleveland na naging malamya ang panimula bago ibaon ang Det-roit mula sa kanilang 33-point lead.

Nagbalik si LeBron James, ipinahinga sa ka-nilang kabiguan sa In-diana Pacers kamakalawa, at tumapos na may 21 points, 3 rebounds at 3 assists, habang naglista si Kevin Love ng 12 points at 13 rebounds.

Sa Boston, kumawala ang Golden State Warriors sa third quarter para gibain ang Celtics, 104-88.

Naglista ng 28 points si Klay Thompson kasunod ang 23 markers ni Kevin Durant.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with