^

PM Sports

Tapos ang laban sa rnd. 5--Roach

SKETCHES - Pang-masa
Tapos ang laban sa rnd. 5--Roach
Freddie Roach

LAS VEGAS – Sinilip ni Freddie Roach ang kanyang crystal ball at nakita ang isang knockout sa WBO welterweight matchup nina champion Jessie Vargas at challenger Manny Pacquiao.

Nang umupo si Roach sa press room sa Wynn Hotel ay kaagad siyang pinalibu-tan ng mga miyembro ng media para sa isang pang alas-10 ng umagang panayam.

Nang tanungin siya kung paano niya ilalarawan si Vargas ay sinabi ni Roach na gustung-gustong makipagsabayan ng WBO titlist at hindi umuurong sa anumang laban.

Ayon kay Roach, ito ang magiging pinakamalaking pagkakamali ni Vargas.

“Pretty much he likes to come forward and he likes to fight and he likes to exchange, and Manny is the same and he likes that. It should be a really, really good fight,” wika ng boxing guru.

“But I think if he (Vargas) becomes too aggressive he might get knocked out maybe early like four or five rounds. Manny will knock him out I think,” dagdag pa nito.

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay si Roach ng numero kung kailan babagsak ang kalaban ni Pacquiao.

Kamakalawa ay hindi niya kinumpirma ang nauna niyang pahayag na hindi aabot ng 12 rounds ang WBO welterweight title fight nina Pacquiao at Vargas.

“I never said it’s gonna be a short fight,” wika ni Roach.

Ngunit dalawang araw bago ang laban at sa bisperas ng official weigh-in ay tiniyak ni Roach na mananalo si Pacquiao kay Vargas.

Ngayon ay inaasahan niyang mapapatumba ni Pacquiao si Vargas sa loob ng limang rounds.

Ilang lamesa lamang ang distansya ng chief trainer ni Vargas na si dating kick-boxer Dewey Cooper kung saan niya kausap ang iba pang reporters.

Ipinaalam kay Cooper ang prediksyon ni Roach.

“I think it’s a bold prediction and I don’t think it will happen. If anyone’s gonna get knocked out it will be Manny,” wika ni Cooper. (ACordero)

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with