Lady Warriors sa Final 4 na
MANILA, Philippines – Kumamada si Nicole Mendina ng 15 points para ibigay sa University of the East ang ikalawang sunod na Final Four berth sa pamamagitan ng 50-30 paggupo sa Ateneo sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtumpok ang Lady Warriors ng 26-point lead laban sa Lady Eagles patungo sa paglilista ng 8-3 slate para pumuwesto sa third place.
Ang Lady Eagles, may 4-8 marka ay pinamunuan ni Hazelle Yam na may 11 points.
Tinakasan naman ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 62-58 para itaas ang kanilang baraha sa 4-7 at makasilip ng tsansa sa Final Four.
Binanderahan ni Jhenn Angeles ang Tigresses sa kanyang 18 points at 8 rebounds, habang nagdagdag si Shanda Anies ng 14 points at 8 boards.
Hinahabol ng UST ang Adamson University (5-6) para sa huling semifinals berth.
Kasalukuyang sinosolo ng nagdedepensang National University (11-0) ang liderato kasunod ang De La Salle (8-2).
- Latest