Caida dumiretso sa 3-0 marka
MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng Caida Tile ang kanilang pananalasa sa eliminasyon ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup matapos talunin ang Wangs Basketball, 110-106, sa San Juan Arena kahapon.
Nagtuwang sina Jiovani Jalalon at Jason Perkins sa final canto para sa ikatlong sunod na panalo ng Tile Masters, nagtayo ng 15-point lead sa Couriers.
Umiskor si Jalalon ng 22 points, habang may 19 si Perkins para sa Caida.
Kumolekta naman si guard Mike Tolomia ng kanyang unang career triple-double matapos ihatid ang Phoenix Petroleum-Far Eastern University sa 114-102 come-from-behind win laban sa AMA Online Education.
Nagtala si Tolomia ng 28 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Accelerators, nakabangon mula sa 22-point deficit, 49-71, sa third quarter para resbakan ang AMA.
Umiskor si Tolomia ng 22 points sa second half, tampok dito ang isang four-point play na nagbigay sa Phoenix ng 94-92 bentahe laban sa AMA.
Nagdagdag si Roger Pogoy ng 21 points, habang may 18 at 16 markers sina Mac Belo at Raymar Jose, ayon sa pagkakasunod, para sa ikalawang sunod na panalo ng Accelerators.
- Latest