^

PM Sports

Curry nagposte ng triple-double para sa pagbabalik ni Kerr sa Warriors

Pang-masa

OAKLAND, Calif. – Kaagad nag-alay ng panalo ang nagdedepensang Golden State Warriors sa pagbabalik ni coach Steve Kerr.

Kumamada si Stephen Curry ng triple-duouble sa kanyang 39 points, 12 assists at 10 rebounds para ibigay kay Kerr ang season debut win sa 122-110 panalo ng Warriors laban sa Indiana Pacers.

Nagbalik si Kerr mula sa isang leave of absence sapul noong Oct. 1 dahil sa komplikasyon makaraang sumailalim sa dalawang back surgeries.

Ito ang ika-38 sunod na home game victory ng Warriors sa Oracle Arena para duplikahan ang itinala ng 1985-86 Boston Celtics team para sa third-longest home winning streak all-time.

May 20-0 record ang Warriors sa kanilang ta­hanan ngayong season.

Ito ang ikalawang triple-double ni Curry nga­yong season at pang-pito sa kanyang career.

Humakot naman si Draymond Green ng 22 points at 11 rebounds.

Si Curry ang naging unang player sa NBA history na kumonekta ng 200 triple sa apat na sunod na seasons.

Ang tanging player na may higit sa apat na seasons na kumonekta ng 200 triples ay si Ray Allen sa limang seasons.

Bilang first year coach ay iginiya ni Kerr ang Warriors sa franchise-best na 67 wins at ang una nilang NBA  championship matapos ang 40 years.

Nang magbakasyon si Kerr ay si interim coach Luke Walton ang naghatid sa Golden State sa NBA record na 24-0 start at 39-4 record.

Bumalik si Walton sa kanyang dating posisyon bilang top assistant.

Sa Los Angeles, tumipa si Manu Ginobili ng season-high na 20 points at nagdagdag ng 18 si Kawhi Leonard para igiya ang San Antonio Spurs sa 108-95 panalo laban sa Lakers.

Ito ang ika-13 sunod na ratsada ng Spurs.

Tumapos naman si Kobe Bryant ng 5 points para sa Lakers.

Ginunita ng Lakers ang ika-10 anibersaryo ng pagkakatala ni Bryant ng 81 points, ang second-highest scoring performance sa NBA history, kontra sa Toronto Raptors.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOSTON CELTICS

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

INDIANA PACERS

ITO

KAWHI LEONARD

KERR

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with