^

PM Sports

Barnes suspendido ng 2-games

Pang-masa

NEW YORK – Sinuspindi ng NBA si Memphis Grizzlies forward Matt Barnes ng dalawang games without pay nitong Lunes dahil sa “physical altercation” kay Derek Fisher at dahil sa pagbabanta sa New York Knicks noong October.

Inimbestigahan ng liga ang Oct. 3 incident sa Redondo Beach, California sa pagitan nina Barnes at Fisher na dating teammates sa Los Angeles Lakers mula 2010 hanggang 2012.

Katatapos lamang ng Grizzlies ng training camp at ayon sa taong may kinalaman sa sitwasyon na ayaw magpakilala, nangyari ang insidente nang dumalo sa isang salu-salO si Fisher sa bahay ng dating asawa ni  Barnes na si Gloria Govan.

Rumesponde ang Redondo Beach police sa insidente noong Oct. 3 ngunit hindi sinabi kung saan ang location o kung sino ang mga sangkot kaya nakitang walang  basehan para magsampa ng kaso.

Ang suspension ni Barnes ay magsisimula nitong Martes sa pagsagupa ng Grizzlies sa Miami pati na sa laro sa Sabado sa pagdayo sa Utah.

Nakapahinga ang Grizzlies nitong Lunes matapos ang back-to-back games nitong weekend.

Ang Grizzlies ay nakipag-trade para makuha si Barnes sa draft day noong June. Lumaro si Barnes ng 33 games para sa Grizzlies (17-16) at nag-a-average ng 8.6 points at five rebounds per game.

Si Fisher ay nasa kanyang ikalawang season para sa Knicks matapos gugulin ang kanyang career sa Los Angeles.

vuukle comment

ANG

ANG GRIZZLIES

DEREK FISHER

GLORIA GOVAN

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MATT BARNES

MEMPHIS GRIZZLIES

NEW YORK KNICKS

REDONDO BEACH

SI FISHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with