^

PM Sports

Ginebra babangon vs Meralco

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagdating ni small forward Jervy Cruz ay inaasahang madaragdagan ang point production ng Barangay Ginebra.

Nanggaling sa isang trade, ipaparada ng Gin Kings ang 6-foot-4 na si Cruz sa kanilang pagsagupa sa wala pang panalong Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtutuos naman ang Barako Bull Energy at ang Mahindra Enforcers.

Nakalasap ang Ginebra ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng 82-100 kabiguan sa nagdedepensa at nangungunang San Miguel noong Linggo.

“I’m really disappointed with our plays and disappointed for the fans that they have to watch that,” sabi ni Cone sa inilaro ng kanyang tropa laban sa Beermen.

Nahugot ng Gin Kings si Cruz matapos ibigay si sophomore forward Rodney Brondial at ang kanilang 2018 second-round draft pick sa Energy na inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Noong Setyembre ay ibinigay ng Rain or Shine si Cruz sa Globalport para kay 6’6 Jewel Ponferrada.

Ngunit kaagad siyang dinala sa Barako Bull noong Oktubre 13 bilang kapalit ni 6’6 Rico Maierhofer.

Si Cruz ay inaasahang makakatuwang nina seven-foot center Greg Slaughter at 6’8 forward Japeth Aguilar sa shaded lane para sa Ginebra.

Sa unang laro, hangad naman ng Energy, umiskor ng 108-106 panalo laban sa Bolts, na masolo ang ikatlong puwesto sa pagsagupa sa Enforcers, ginimbal ang NLEX Road Warriors, 103-93, noong Biyernes. (RC)

vuukle comment

ALONTE SPORTS CENTER

ANG

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BARANGAY GINEBRA

COMMISSIONER CHITO NARVASA

CRUZ

GIN KINGS

GINEBRA

GRAND SLAM

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with