^

PM Sports

Usher bumandera sa HD Spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling sinandigan ng Cignal si import Ariel Usher para kunin ang 25-17, 25-18, 25-17 pa­nalo laban sa Meralco at patuloy na banderahan ang 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Inihatid ng spiker mu­la sa Oregon ang HD Spi­kers para sa kanilang pangatlong sunod na pa­nalo sa nasabing in­ter-club tourney na ini­hahandog ng Asics ka­tuwang ang Milo, Mikasa, Senoh at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.

Nagtala si Usher ng 22 kills at 2 blocks para tumapos na may game-high na 24 points.

Nauna na siyang humataw ng 30 points sa pa­nalo ng Cignal kontra sa Philips Gold noong nakaraang linggo.

“We work hard in prac­tice and we did every­thing as a team,” wi­ka ni Usher, nagtala ng average na 28 points sa tatlong laro ng HD Spi­kers sa torneo.

Nagdagdag naman si­na import Amanda An­­derson at rookie Fritz Gal­lenero ng tig-11 points para sa Cignal na na­ngailangan ng isang oras at 13 segundo para idispatsa ang Meralco.

Hindi pa rin nakaka­kuha ng magandang laro ang Power Spikers mula kay Christina Alessi.

Bagama’t nakaba­ngon sa third set mula sa 10-point deficit, 10-20, at nagawang makadikit sa 17-21, nabigo ang Meralco na pigilin sina Usher at Gallenero sa panig ng Cignal.

Umiskor sina import Liis Kullerkann at skipper Cha Cruz ng tig-11 points para sa Power Spikers, nalasap ang kanilang pang-apat na sunod na kamalasan.

Samantala, umiskor ang Philips Gold 25-20, 21-25, 16-25, 25-22, 15-12 panalo laban sa nagdedepensang Petron.

Humataw si University of California-Los Angeles standout Bojana Todorovic ng 23 kills para sa kanyang 25 point, habang nag-ambag sina Alexis Olgard at Myla Pablo ng 21 at 20 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Lady Slammers.

Ito ang unang panalo ng Philips Gold matapos ang five-set defeat sa Cig­nal noong nakaraang linggo, habang nalasap ng Petron ang kanilang ika­lawang kabiguan.

vuukle comment

ACIRC

ALEXIS OLGARD

AMANDA AN

ANG

ARIEL USHER

CIGNAL

MERALCO

PARA

PHILIPS GOLD

POWER SPIKERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with