^

PM Sports

FEU Tamaraws sinolo ang liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nag-init uli ang FEU Tamaraws sa huling yugto para solohin ang liderato sa 78th UAAP men’s basketball matapos ang 68-57 panalo sa UP Maroons kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Angat lamang ng isang puntos ang Tamaraws, 45-44 nang magtulung-tulong sina Mac Belo, Roger Pogoy at Francis Tamsi sa 11-0 bomba upang maging dalawang laro na lang ang kanilang layo para makuha ang Final Four slot sa 8-1 karta.

“The veterans decided they want to play in the fourth quarter,” wika ni FEU coach Nash Racela na may seven-game winning streak.

May 17 puntos si Pogoy   mula sa 7-of-10 shooting kasama ang tatlong triples, si Belo ay may 12 puntos, siyam sa huling yugto at 10 rebounds habang sina Tolomia at Tamsi ay nagsanib sa 20 puntos.

Sina Belo at Tamsi ay hindi starters at pinangunahan nila ang  bench na may 33 puntos para patuloy ang balanseng pag-atake ng mga pamalit at starters ng FEU.

May career-high na 16 puntos si Diegoo Dario at si Jett Manuel ay may 11 para sa Maroons na may anim na talo sa siyam na laro.

Gumamit ang La Salle Archers ng malakas na panimula para walisin ang head-to-head nila ng UE Red Warriors, 72-64 sa unang laro.

May 20 at 15 puntos sina Jeron Teng at Tho-mas Torres at pareho silang may 14 puntos sa first half para bigyan ang koponan ng 41-30 kalamangan.

Pinakamalaking kalamangan ng Archers ay 13 puntos, 71-58 sa triple ni Joshua Torralba para makabangon mula sa pagkatalo sa UST Tigers at itatak ang 5-4 marka.

“Hard fought game. It’s a good thing the players were able to get their composure back,” wika ni La Salle coach Juno Sauler.

Sina Renz Palma at Chris Javier ay may tig-14 puntos para sa Warriors na hindi na sustina ang pagbangon sa ikatlong yugto na naiwanan na lamang ng lima, 55-50 para bu-maba sa 3-6 karta.

La Salle 72 - Teng 20, Torres 15, Muyang 9, Rivero 8, Torralba 8, Perkins 7, Sargent 3, Langston 2.

UE 64 - Palma 14, Javier 14, Batiller 9, P. Varilla 8, Manalang 6, Derige 6, Charcos 5, J. Varilla 2.

Quarterscores: 19-16; 41-30; 55-50; 72-64.

FEU 68 - Pogoy 17, Belo 12, Tolomia 11, Tamsi 9, Arong 8, Ru. Escoto 5, Jose 4, Orizu 2.

UP 57- Diego 16, Manuel 11, Desiderio 8, Asilum 6, Kone 4, Amar 3, Juruena 3, Harris 2, Moralde 2, Gallarza 2.

Quarterscores: 17-19; 33-28; 43-40; 68-57. (AT)

vuukle comment

ANG

BELO

CHRIS JAVIER

DIEGOO DARIO

FINAL FOUR

FRANCIS TAMSI

LA SALLE

PARA

PUNTOS

STRONG

TAMSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with