^

PM Sports

Premyong P125K nakataya sa apat na special races

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na special races ang magpapatingkad sa pagbubukas ng karera sa buwan ng Setyembre bukas sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Walong karera ang nakaprograma sa una sa dalawang sunod na pista sa racing club na pag-aari ng Metro Turf Club at ang apat na special races na suportado ng MMTCI ay gagawin sa races  one, two, four at seven.

Ang mga mananalo sa apat na karerang ito ay magkakaroon ng guaranteed purse na P125,000.00 bukod pa sa P10,000.00 para sa nanalong horse owner na ibibigay ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Sa 1,400m paglalabanan ang mga special races habang ang ibang nalala­bing karera ay sa 1,200m at 1,000m inilagay.

May tatlong special races din ang gagawin sa Miyerkules na sinahugan din ng isang 3YO and Above Maiden race.

Sa 1,200m distansya gagawin ang maiden race na ito na nilahukan ng siyam na kabayo kasama ang dalawang coupled entries. Ang mananalo rito ay mayroong P10,000 dagdag gantimpala.

Ang mga maglalaban-laban sa nasabing ka­rera ay ang Grace Kelly, Victory Boots, Santong Kalapati, Security Gem, Gymnast at mga coupled entries Market Maker/Go Abbey Go at Little Kitty/Girl Of Fire.

Lahat ng mga  nakaprograma ay balanseng binigyan din ng handicap para matiyak na magi­ging maganda at palaban ang mga magsisitakbong kabayo.

 

 

 

vuukle comment

ABOVE MAIDEN

ACIRC

ANG

GIRL OF FIRE

GO ABBEY GO

GRACE KELLY

LITTLE KITTY

MARKET MAKER

METRO TURF

METRO TURF CLUB

MIMAROPA

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with