64 aspirante para sa PBA Draft
MANILA, Philippines – Kabuuang 64 players ang nagpasok ng kanilang aplikasyon para sa darating na 2015 PBA Rookie Draft.
Ang huling dalawang nakapagsumite ng kanilang mga papeles ay sina Kevin Racal ng Letran Knights at Jaypee Mendoza ng NCAA champions na San Beda Red Lions.
Nakatakda ang drafting sa Agosto 23 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Sa 64 aplikante ay 16 rito ay Fil-Foreign players sa pangunguna ni Fil-Tongan Moala Tautuaa.
Ang 6-foot-7 na si Tautuaa ay inaasahang hihirangin ng Talk ‘N Text bilang No. 1 overall pick, habang pag-aagawan naman si dating National star Jeth Troy Rosario, miyembro ng Gilas Cadet na kumuha ng gold medal sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.
Wala si listahan si 6’4 Bobby Ray Parks, Jr. na hindi nakuha sa nakaraang NBA Draft.
Ang iba pang potential top picks ay ang mga Gilas Cadet team members na sina Norbert Torres, Almond Vosotros, Scottie Thompson, Baser Amer at Glenn Khobuntin.
Ang preliminary list ng mga rookie hopefuls ay ilalabas bukas. (RC)
- Latest