^

PM Sports

Pacquiao okay na ang balikat

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa isang panayam sa kan­ya sa Tokyo, Japan ay ipi­nakita ni Manny Pacquiao na wala nang prob­le­ma sa kanyang kanang balikat.

At tiniyak niyang magiging handa siya sakaling maitakda ang rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.

“I can lift my shoulder like this. No problem any longer,” sabi ni Pacquiao sa kanyang kanang ba­likat na inoperahan no­ong Mayo 7 matapos ma­talo kay Mayweather via unanimous decision no­ong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Ne­va­da.

Sinabi ng 36-anyos na Filipino boxing super­star na mas magiging pre­parado siya sakaling ma­plantsa ang kanilang re­match ng 38-anyos na si Mayweather.

“I’ll be ready for that men­tally and physically next year. I’ll show a better performance against him than in the first encounter,” ani Pacquiao.

Matatandaang nagka­roon ng right shoulder in­jury si Pacquiao sa fourth round na naging da­hilan kung bakit hindi ni­ya na­pabagsak si Maywea­ther.

Nakuha ni Pacquiao ang nasabing injury tatlong linggo bago ang ka­nilang mega showdown ni Mayweather.

Ang Sarangani Congressman ay nasa Tokyo, Japan para sa bidding ng Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

Bago ang rematch kay Pacquiao ay lalabanan mu­na ni Mayweather si Andre Berto sa Setyembre 12 sa MGM Grand.

Ito ang sinasabing magiging pinakahuling laban ni Mayweather bago magretiro.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

ANG SARANGANI CONGRESSMAN

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with