^

PM Sports

Poliquit, Tabal parehong pang-27th sa LA Marathon

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tumapos sa magkatulad na 27th puwesto sina Rafael Poliquit Jr. at Mary Joy Tabal sa isinagawang 2015 Los Angeles Marathon kahapon.

Naorasan ang 26-an-yos na si Poliquit ng dalawang oras, 36 minuto at 16 segundo habang ang 25-anyos na si Tabal ay may 2:51:24 tiyempo.

Nakasali sa karerang ito sina Poliquit at Tabal na miyembro ng national team na inaasahang maglalaro sa Singapore SEA Games ngayong Hunyo dahil bahagi ito  ng kanilang gantimpala nang kilalanin bilang King at Queen sa 2014 National Milo Marathon Finals noong Disyembre.

Ito ang unang 42.195-k race nina Poliquit at Tabal at tiyak na mapapababa pa nila ang kanilang tiyempo lalo pa’t makakatulong ng PATAFA ang beteranong American coach sa marathon na si Dick Beardsley.

May 26,000 marathoners ang sumali at marami ang hindi nakatapos dahil sa sobrang init. (AT)

vuukle comment

DICK BEARDSLEY

DISYEMBRE

HUNYO

LOS ANGELES MARATHON

MARY JOY TABAL

NATIONAL MILO MARATHON FINALS

POLIQUIT

RAFAEL POLIQUIT JR.

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with