^

PM Sports

Rondo nagbida sa Mavericks

Pang-masa

BOSTON – Hindi pa na­kikita ng mga Boston fans si Rajon Rondo na su­ot ang uniporme ng kalaban.

At hindi pa rin nila natunghayan ang husay na ipi­namalas niya.

Umiskor ang dating Cel­tics point guard ng career-high na 15 first-quarter points para tumapos na may season-best 29 mar­kers sa kanyang pagbabalik sa Boston at igiya ang Dallas sa 119-101 panalo.

Nagsalpak din si Ron­do ng career-high na li­mang 3-pointers at nag­lista ng 6 rebounds at 5 assists.

“Obviously, it was a spe­cial day,” wika ng four-time all-star matapos ang kanyang unang laro sa TD Garden makaraan si­yang ibi­gay sa Mave­ricks sa isang trade noong Dis­yem­bre. “I’m emotio­nally tired. I’m physically tired, and I’m drained.”

Umiskor naman si Mon­­ta Ellis ng 22 points, ha­bang may 17 si Dirk No­witzki at humakot si Ty­son Chandler ng 16 re­bounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Dallas.

Ipinoste ng Mave­ricks ang isang 14-point lead bago ito palakihin sa 28-point advantage matapos ang third period.

Naputol ito ng Cel­tics sa 10 points sa huling anim na minuto sa fourth quarter bago umiskor si Ron­do ng isang jumper kasunod ang isang steal at assist para muling ilayo ang Mavericks sa 105-90 sa huling 4:45 minuto.

Nagposte naman si Ave­ry Bradley ng 22 points para sa Boston ka­sunod ang 17 ni Tyler Zel­ler na kumolekta ng 10 re­bounds.

Sa Oklahoma City, kumamada si Kevin Durant ng 34 points para igiya Thunder sa 109-102 pana­lo laban sa Washington Wizards.

Nagtala si Durant ng 12-for-18 fieldgoal shoo­ting kasama rito ang 4-for-7 sa 3-point range.

Sa Charlotte, umiskor si Kevin Love ng 27 points para ibigay sa Cleveland Cavaliers ang 91-87 panalo laban sa Hor­nets.

vuukle comment

CEL

CLEVELAND CAVALIERS

DIRK NO

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

MAVE

RAJON RONDO

RON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with