^

PM Sports

Boxing yearender: Ilang panalo at kabiguan para sa mga Pinoy pro boxers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi maikukunside­rang matagumpay ang ta­ong 2014 para sa mga Fi­lipino boxers maliban lamang kay world eight-division champion Manny Pacquiao.

Siyam na laban ang nai­panalo ng mga Pinoy prize fighters, habang 12 na­man ang nakalasap ng ka­biguan.

Ngunit sinapawan ito ng mga tagumpay ni­na World Boxing Orga­nization (WBO) light fly­weight titlist Donnie Nie­tes, International Bo­xing Organization (IBO) light flyweight king Rey Loreto at International Boxing Association (IBA) super flyweight ruler Bruno Escalante.

Dalawang magkasunod na panalo ang itinala ni Nietes matapos pabagsakin si Moises Fuentes sa ninth round noong Mayo sa Mall of Asia Arena at pinahinto si Carlos Velarde sa round seven noong Nobyembre sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu.

Pinatumba naman ni Escalante si Lorenzo Trejo sa fourth round noong Peb­rero sa Redwood City bago isinunod si Victor Ruiz sa Brooks noong Abril.

Bago ang mga panalo nina Nietes at Escalante ay umagaw muna ng eksena si Loreto matapos tanggalin kay Nkosinathi Joyi ang suot nitong IBO light flyweight crown sa pamamagitan ng third round knockout noong Pebrero sa South Africa.

Nakakakuha rin ng isang boxing world title si Nonito ‘The Filipi­no Flash’ Donaire, Jr. noong Mayo nang ta­­lunin si Simpiwe Vet­yeka via fifth round tech­nical decision para aga­win sa huli ang hawak nitong World Bo­xing As­so­ciation (WBA) feather­weight title sa Macau, Chi­na.

Nawala ang naturang titulo kay Donaire nang ma­talo kay Nicholas Wal­ters ng Jamaica.

Hindi naman nagpahuli si Gretchen Abaniel nang talunin si Nungnun Mor Krungthepthonburi ng Thailand pa­ra sa Women’s IBA mi­nimumweight belt sa Bi­ñan, Laguna noong Peb­rero.

Subalit noong Set­yem­bre ay natalo si Aba­niel kay Kumiko See­ser Ikehara para sa ba­kanteng WBC female minimumweight belt sa Osaka, Japan.

Bukod kay Pacquiao, tanging sina Nietes at Lo­reto lamang ang mga ka­salukuyang Filipino world champions.

Nakatakda sanang itaya ni Loreto ang kanyang korona sa kanilang re­match ni Joyi sa South Africa noong Dec. 13 ngunit ito ay inilipat sa Feb. 28.  

Hindi maikukunsi­dera ang 26-anyos na si Escalante bilang isang world titleholder dahil ang IBA ay hindi isang mainstream global go­ver­ning body at ang mga IBA title fights ay na­katakda lamang sa 10 rounds.

Kasalukuyang dala ni Escalante ang kanyang 13-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 6 KOs.

Nawala naman ang ha­wak ni Johnriel Casi­mero na IBF light flyweight crown nang ma­bigong makuha ang weight limit bago ang kanyang pagdedepensa kay Colombian challen­ger Mauricio Fuentes sa Cebu noong Mayo.

Bagama’t napatulog ni­ya si Fuentes sa first round ay nauna nang nai­deklara ang naturang ko­rona bilang bakante.

Noong Disyembre 13 ay pinabulagta ni Ca­simero si Armando San­tos sa round two sa Me­xico para muling ma­ging isang title con­ten­der, ngunit ito ay sa flyweight division.

Bago matapos ang 2014 ay nakalasap ng ka­malasan ang ilang Fi­lipino fighters.

Natalo si Michael Das­­mariñas ng Albay kay IBO super flyweight champion Lwandile Sit­yatha via split decision noong Dec. 13 kagaya ni Roli Gasca ng Cebu kontra kay IBO feather­weight king Lusanda Ko­manisi.

Bukod kina Dasma­riñas at Gasca, ang iba pang nabigo sa pamama­gitan ng split decision ay sina Jether Oliva ng General Santos City kay Moruti Mthalane para sa bakanteng IBO flyweight crown sa South Africa noong Marso at si Edrin Dapudong kay Sityatha sa South Africa noong Hulyo.

Dalawang Filipino bo­xers ang nadiskaril ang pinapangarap na world boxing title.

Natalo si Rocky Fuen­tes kay Amnat Ru­enroeng ng Thailand para sa bakanteng IBF flyweight title sa Nakhon Ratchasima no­ong Enero at napatulog ni WBC flyweight king Roman (Chocolatito) Gon­zalez ng Nicaragua sa sixth round sa Yokohama noong Nobyembre.

Isinuko naman ni Gas­­ca ang isang unanimous decision loss kay Tha­bo Sonjica sa isang IBO super bantam­weight title fight sa South Africa noong Agos­to at muling natalo kay Komanis sa South Af­rica dalawang linggo na ang nakakaraan.

Natalo rin sa kani-ka­­nilang mga laban si­na Richie Mepranum la­­ban kay ng WBO fly­weight champion Juan Fran­cisco Estrada of Me­xi­co sa Sonora no­ong Ab­ril, si Marvin Ma­bait kon­tra kay WBC su­per flyweight champion Carlos Cuadras ng Me­xico sa Washington, D. C. noong Nobyembre at si Merlito Sabillo na naagawan ng WBO minimumweight crown ni Francisco Rodriguez ni Mexico via 10th round knockout loss sa Mon­terrey noong Marso.

Para sa 2015, ilang Filipino ang inaasahang lalaban para sa world titles.

Kabilang dito sina Do­naire, dating two-time world champion Brian Viloria at dating world champion Sonny Boy Jaro kasama sina interim WBA light flyweight titlist Randy Pe­tal­corin, IBF light flyweight title eliminator survicor Milan Melindo, super bantamweight Albert Pagara, super flyweight Arthur Villanueva, lightweight Roberto Gon­zales, minimumweight Denver Cuel­lo at lightweight Mercito Ges­ta. (QHenson)

vuukle comment

ESCALANTE

FLYWEIGHT

KAY

NOONG

ROUND

SHY

SOUTH AFRICA

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with