^

PM Sports

Dahil sa 38th Milo National Finals masaya ang pasko ni Tabal

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi biro ang naram­damang ‘pressure’ ni Ma­ry Joy Tabal para sa pagtatanggol niya ng korona sa MILO National Finals.

Nagkasugat-sugat man ang kanyang mga paa dahil sa ‘blisters’ ay pi­lit itong tiniis ng Cebuana para hindi maisuko ang titulong napanalunan noong nakaraang taon at ang pagkakataong mabigyan ng masaganang Pasko ang kanyang pamilya.

“Mabigat talaga ‘yung pressure sa akin since ako ‘yung defending champion at lahat ng mga kalaban ko talagang sa akin nakatutok at nagbabantay na magkamali ako sa race,” sabi ng 25-anyos na si Tabal.

Bakas sa kanyang muk­ha ang matinding sa­kit bunga ng pagkirot ng su­gat sa kanyang mga paa habang binabagtas ang nasabing 42.195-kilomet­rong ka­rera.

Dumudugo ang paang tinapos ni Tabal ang ka­rera para magsumite ng bi­lis na dalawang oras, 51 minuto at 52 segundo at angkinin ang korona ng 38th MILO National Finals kahapon sa SM Mall of Asia  Grounds sa Pasay City.

Napasakamay ni Tabal ang premyong P250,000 na ayon sa kanya ay ilalaan niya para sa pagha­handa sa Araw ng Pasko at sa patuloy na pagsasa­nay sa mga sasalihang ma­rathon.

“Siyempre po magandang Pasko ito para sa fa­mily ko,” ani Tabal.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kalaban ay halos umatras si Tabal sa pagdedepensa ng kan­yang korona ngayong ta­on.

“Two weeks before the supposedly na National Fi­nals last December 7 ta­lagang buhos na ako sa trai­ning,” ani Ta­bal. “Nu’ng ma-cancel ‘yung race parang nagba­go ang kon­disyon ng ka­ta­wan ko.”

Sa men’s 42K, inagawan ni Rafael Poliquit ng korona si Buenavista nang magposte ng oras na dalawang oras, 32 minuto at 26 segundo para pitasin ang premyong P150,000.

Si Poliquit ay sinundan nina Buenavista (02:34:17) at Erinio Raquin (02:35:48).

“Hindi ko ine-expect na mananalo ako kasi nan­diyan ‘yung idol kong si Vertek (Buenavista),” wi­ka ni Poliquit.

vuukle comment

BUENAVISTA

ERINIO RAQUIN

JOY TABAL

MALL OF ASIA

NATIONAL FI

NATIONAL FINALS

PASKO

SHY

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with