^

PM Sports

Aces, Bolts sososyo rin

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng Bolts at ng Aces ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makasosyo sa liderato ang Gin Kings at ang Beermen.

Lalabanan ng Meralco ang Blackwater ngayong alas-4:15 ng hapon samantalang sasagupain ng Alaska ang Talk ‘N Text sa alas-7 ng gabi sa 2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Bolts ni coach Norman Black sa 112-108 double overtime win laban sa Barako Bull Energy noong Oktubre 22 na kinatampukan ng career-high na 28 points at 7 rebounds ni Reynel Hugnatan.

“We really had to work very hard for the win,” sabi ni Black, isang Grand Slam champion coach na pumalit kay Ryan Gregorio sa bench ng Meralco.

Nalasap naman ng Elite ni mentor Leo Isaac ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan matapos yumukod sa Tropang Texters, 81-103.

Muling aasahan ng Meralco sina Hugnatan, Sean Anthony, Gary David, Cliff Hodge, John Wilson at Jared Dillinger katapat sina Alex Nuyles, Ogie Menor, Eddie Laure at Jason Ballesteros ng Blackwater.

“Iyong mga turnovers, ‘yun ang medyo concern namin ngayon. Masyadong glaring ‘yung mistakes and it came at the part na medyo crucial na,” wika ni Isaac. “Hopefully, we could learn the soonest para magawa namin ‘yung dapat naming gawin.”

Sa ikalawang laro, mag-uunahan sa pagta-tala ng kanilang pangalawang dikit na panalo ang Alaska ni Alex Compton at Talk ‘N Text ni Jong Uichico.

Inilampaso ng Aces ang nagdedepensang Purefoods Hotshots, 93-73 sa kanilang unang laro, habang bumangon ang Tropang Texters mula sa una nilang pagkatalo nang kanilang igupo ang Elite.                       

vuukle comment

ALEX COMPTON

ALEX NUYLES

BARAKO BULL ENERGY

CLIFF HODGE

EDDIE LAURE

MERALCO

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with