^

PM Sports

Tapos na ba ang Miller Time?

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Tapos na nga ba ang playing career ng two-time PBA MVP winner na si Willie Miller?

Kung sakali, hindi magiging maganda ang exit ni Miller sa PBA sa kadahilanang mainit pa ang kanyang kagustuhang ipagpatuloy ang kanyang playing career sa edad na 37.

Ganadung-ganado pa si Miller na makipagkum-pitensya sa mga nakakabatang players dahil una, wala naman siyang iniindang injuries, dahil wala siyang sugat, walang tama, walang galos sa edad na 37.

Ang siste nga lamang ay mas minabuti ng Barako Bull na tumaya sa mga mas batang backcourt players sa katauhan nina RR Garcia, Denok Miranda, Carlo Lastimosa, Jeric Fortuna at Chico Lanete.

Naiwan na wala nang pupuntahang ibang koponan ang kawawang si Willie.

Siya ay first round draft pick noong 2001 at nanalo ng dalawang MVP titles at naglaro sa mga koponang Red Bull, Talk ‘N Text, Alaska Milk, Barangay Ginebra, Barako Bull, Globalport at balik sa Barako Bull.

Bakit nagkaganoon? Di lingid sa marami na isang malaking dahilan ang patagong usapan tungkol sa di kagandahang reputasyon na dumikit sa kanyang pangalan.

Maraming eksperto sa PBA circle na nanlalaki ang mata at umiikot ang isipan sa isang error o isang sablay lang ng isang PBA player. Benta, ayaw manalo, nakataya sa kalaban-- ito ang mga paratang.

Marami pang PBA players na nadikitan ng ganitong reputasyon na kagagawan ng mga taong mahilig tumahi ng kung anu-anong akala.

Ang aking palagay, ang mga taong nagsasabi nito ay nagkaroon ng personal na pakikisalamuha sa underworld operation sa basketball – kung meron man talaga.

Balik kay Willie. Ang pag-upo sa TV panel ang isa sa kanyang pagkakaabalahan habang naghihintay ng pagkakataon na makabalik sa paglalaro.

Sa loob ng 14 PBA seasons, kumamada si Miller ng 8,628 points, 622 rebounds at 2,411 assists.

Pagkatapos ng nakaraang season, nalampasan ni Miller si Yoyoy Villamin (8,504) at Johnny Abarrientos (8,615) sa pagiging No. 21 sa PBA all-time scoring ladder.

 

vuukle comment

ALASKA MILK

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CARLO LASTIMOSA

CHICO LANETE

DENOK MIRANDA

JERIC FORTUNA

JOHNNY ABARRIENTOS

N TEXT

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with