^

PM Sports

Superliga Grand Prix Alaina Bergsma papalit kay Leila Barros

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mapapanood na ng volleyball fans ang naggagandahang foreign imports ng anim na koponan sa women’s division sa pagbubukas ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na hatid ng Asics sa Sabado sa Araneta Coliseum.

Inaasahang mapapako ang atensiyon kay Alaina Bergsma, ang Ms. Oregon 2012 at dating Ms. USA finalist na lalaro para sa Petron Blaze Spikers.

Sinasabing si Bergsma ay maihahalintulad kay Brazilian Leila Barros na kinagiliwan ng maraming  Pinoy  nang sumikat ang volleyball sa bansa, 10-taon na ang nakakaraan.

Ngunit hindi lamang ganda ang taglay ni Bergsma dahil sinasabing magaling din ito matapos maging captain ng University of Oregon volleyball team at naging All-American NCAA athlete din.

Kasama niyang import ang Brazilian na si Erica Adachi para sa Petron Blaze Spikers na naging  crowd favorite ng liga.

Ipapakilala rin ang mga bagong koponan na  Mane and Tail Lady Stallions at Foton Tornadoes kasama ang mga dating teams na Cignal, RC Cola at Generika sa opening ceremony ng ligang may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Volleyball Federation (PVF) at kinikilala rin ng International Volleyball Federation (FIVB).

Ang bagong team sa men’s division na  Cavite Patriots ay ipapakilala rin kasama ang  PLDT-Air Force, Cignal at Maybank.

Magbubukas ang Philippine Superliga sa Sabado sa Araneta Coliseum sa pag-o-organisa ng SportsCore sa tulong ng Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.

Ang opening day tickets ay mabibili sa ticketnet (www.ticketnet.com.ph) sa halagang  P100 at P200. Ipapalabas ang mga laro sa Solar Sports, ang official TV partner ng Superliga na may tema ngayong: “Ito ang Volleyball.”

Maghaharap ang Cignal at RC Cola sa unang laro sa alas-2 ng hapon kasunod ang sagupaan ng Generika at Petron sa alas-4. Ang opening ceremonies ay ala-una sisimulan.

Ang opening ceremonies ay pangungunahan ni Superliga founder at president Ramon ‘Tats’ Suzara,  isang dating national junior player.

vuukle comment

AIR FORCE

ALAINA BERGSMA

ARANETA COLISEUM

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BERGSMA

BRAZILIAN LEILA BARROS

CAVITE PATRIOTS

CIGNAL

PETRON BLAZE SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with