Gooden lalaro sa Finland?
MANILA, Philippines - Hindi maglalaro sina John Wall at Bradley Beal sa darating na World Cup of Basketball.
Subalit may isang miyembro ng Washington Wi-zards na mapapanood sa unang laro ng Team USA sa nasabing torneo. Lalabanan ng US men’s national team ang Finland sa Agosto 30 at si Drew Gooden ay may dugong Finnish.
Kinumpirma ng isang source sa CSNwashington.com na plano ni Gooden na maglaro para sa Finland national team at siya ay papayagan ng Wizards.
Ang ina ni Gooden ay isang Finnish, habang ang kanyang ama ay naglaro ng professional basketball sa Finland.
- Latest