^

PM Sports

Algieri kumpiyansang tatalunin si Pacquiao

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang nagsasabing hindi niya kayang talunin si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ngunit kumpiyansa pa rin ang bagong world light welterweight titlist na si Chris Algieri na gugulatin niya ang buong mundo sa panalo kay Pacquiao sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

“That is fine by me,” sabi ni Algieri sa pana-yam ng The Sweet Science. “That is on paper. And on paper I am not supposed to win. Championships are won on intangibles, not on paper.”

Nakatakdang itaya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa catch weight na 144 pounds.

Sinabi ng 5-foot-10 na si Algieri na habang papalapit ang kanilang upakan ng 5’6 na si Pacquiao ay mawawala ang kanyang pagiging 1-16 underdog.

“Those odds will tighten up as the world sees my hardwork and decication,” wika ni Algieri, tinalo si Ruslan Provodnikov para sa agawin ang WBO light welterweight belt noong Hunyo.

Samantala, hindi naman binibigyan ni Mexican superstar Juan Manuel Marquez ng tsansa si Algie-ri na talunin si Pacquiao.

“He barely has a chance to win. Algieri is strong and he’s durable. He has also boxing ability, as he’s shown against Ruslan Provodnikov – but he doesn’t have the style to beat Pacquiao, who has great speed and power,” ani Marquez sa panayam ng BoxingScene.com.

Naniniwala rin si Marquez na mapapabagsak ni Pacquiao si Algieri.

“I believe that Pacquiao can win by knockout,” sabi ni Marquez na nagpatulog kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre ng 2012.

 

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SWEET SCIENCE

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with