^

PM Sports

PLDT sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdomina ang mga spikers ng PLDT Home Telpad upang kunin na ang isa sa anim na puwesto sa susunod na round sa pamamagitan ng 23-13, 25-17, 25-19 panalo sa PNP Lady Patrollers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 11 kills at dalawang aces si Sue Roces habang gumana rin ang laro nina Laurence Ann Latigay, Ryzabelle Devanadera, Gretchel Soltones at Ma. Rosario Soriano tungo sa ikaapat na sunod na panalo ng Turbo Boosters sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

May walong kills pa si Latigay tungo sa siyam na puntos para tulungan ang PLDT sa 44-24 bentahe sa attacks.

Ininda rin ng PNP ang mahinang receptions nang bigyan ng 10-0 kalamangan ang katunggali sa service aces.

May 8 puntos, kasama ang tatlong blocks, si Devanadera habang sina Soltones at Rosario na tumapos bitbit ang apat na aces ay nagtala ng tig-pitong puntos.

Si Rubie De Leon ay mayroong 18 excellent sets bukod pa sa pagtatala ng walong puntos para katampukan ang panalo sa larong tumagal lamang ng 63 minuto.

Ikaapat na sunod na  pagkatalo ito ng Lady Patrollers na humugot ng 12 puntos kay Frances Molina.

Naipanalo ng Cagayan Valley Lady Rising Suns ang mahahalagang puntos sa pagtatapos ng bawat sets tungo sa 26-24, 25-22, 27-25, pana-naig sa National University sa ikalawang laro.

Ito ang ikalawang panalo sa tatlong laro ng Cagayan para masolo ang ikaapat na puwesto sa walong koponang liga na may ayuda ng Accel at Mikasa. (AT)

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

FRANCES MOLINA

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD

LADY PATROLLERS

LAURENCE ANN LATIGAY

NATIONAL UNIVERSITY

OPEN CONFERENCE

ROSARIO SORIANO

RYZABELLE DEVANADERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with